^

PSN Opinyon

Ang tawag kay Mateo

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Si Jesus ay naparito sa lupa upang iligtas ang mga makasalanan. Sa kapanahunan ni Jesus, nakisalamuha siya sa mga makasalanan. Subalit hindi maganda ito sa paningin ng mga Pariseo. Si Mateo ay isang makasalanan. Bakit nakikipag-ugnayan si Jesus sa kanya?

Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa tawag kay Mateo. At maraming mahahalagang kaisipan ang ibinibigay sa atin ni Jesus dito (Mateo 9:9-13).

‘‘Umalis si Jesus sa lugar na iyon. Sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, ‘Sumunod ka sa akin,’ Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

‘‘Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, ‘Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong guro?’’ Narinig ito ni Jesus at siya ang sumagot, ‘Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘‘Habag ang ibig ko at hindi hain.’’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.’’


Si Mateo ay isang kolektor ng buwis, na itinuturing na makasalanan. Tinawag siya ni Jesus. At agad tumugon si Mateo. Naghanda siya ng pagkain para kay Jesus at inanyayahan niya ang iba pang mga kolektor ng buwis. Tumutol ang mga Pariseo sa pakikisalo ni Jesus sa mga makasalanan. Subalit nang marinig ni Jesus ang tanong nila sa mga alagad, sinabi niya na ‘‘Ang nangangailangan ng manggagamot ay ang mga maysakit, hindi ang mga walang sakit.’’ Oo, kinakailangan natin si Jesus. Tayo ay mga makasalanan. Dapat tayong lumapit kay Jesus at sabihin sa kanya na tayo ay may sakit. Dapat nating hilingin na tayo ay pagalingin niya.

Si Mateo ay kolektor ng buwis. Eksperto siya hinggil sa pananalapi at buwis. Pero, tingnan ninyo, siya ay naging isang alagad ni Jesus. Sa katunayan, siya ay isang ebanghelista. Sumulat siya ng ebanghelyo. Ang makasalanang Mateo ay naging daan sa pagpapabanal ng iba sa pamamagitan ng mga salita sa ebanghelyo.

Isinama niya sa kanyang salaysay ng ebanghelyo ang tungkol sa pagtawag sa kanya ni Jesus upang tayo ay mabigyan ng huwaran para sa kabutihan at sa ganoo’y mapalakas ang ating loob.

ARING

JESUS

MAKASALANAN

MATEO

PARISEO

SI MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with