^

PSN Opinyon

Payo ni Ike sa mga mag-asawa

-
Maalaga talaga ’tong kaibigan kong si Ike. Dalawampu’t-dalawang taon nang may asawa. Ikakasal na ang panganay. Pinayuhan kaming mga ka-prayer group ng sekreto niya sa matagal nilang pagsasama:

Una raw, dalawang beses bawat linggo sila kung lumabas, kumain ng masarap, umuorder ng red wine, tapos nagsi-sine. Si Ike raw, tuwing Martes. Si Misis niya, tuwing Biyernes.

Ikalawa raw, magkahiwalay sila ng kamang tinutulugan. Para nga naman sabik. Si Misis, sa bedroom. Si Ike, kung saan man abutin ng gabi.

Ikatlo, kung saan-saan daw niya dinadala si Misis. ’Yun nga lang, nakakauwi pa rin ito parati.

Tapos, parati raw silang holding hands, ika ni Ike. Kasi kung bitiwan niya si Misis, nagsa-shopping na.

Parati rin daw ibinibili ni Ike si Misis ng gamit-pambahay: electric toaster, electric oven, electric blender. Umangal na nga si Misis na sa dami ng gamit, wala nang maupuan sa bahay. Ibinili niya ng electric chair.

Ika-anim, mapagbigay si Ike. Isang anibersaryo, hiling ni Misis na dalhin naman siya sa lugar na hindi pa niya napupuntahan. Hinila siya ni Ike sa kusina.

Ika-pito, maagap si Ike. Kung nangchi-chicks, pinipili ’yung kapangalan ni Misis. Tuwing nagsasalita siya sa panaginip at inuungol ang pangalan ng chicks, kilig na kilig si Misis.

Ika-walo, malambing si Ike. Kapag madalas napapainom sa barkada, sinasabihan si Misis, ‘‘Gabi-gabi na lang ako lasing, hirap na hirap na ang katawan ko. Bukas, ikaw naman ang makipag-inuman.’’

At huli, matiyaga si Ike. Nag-diet si Misis. Buko at saging lang ang kinakain. Hindi pumayat, pero pala-akyat na sa puno. Okey lang kay Ike.

Mariing paalala ni Ike: Kasal daw ang pinakamadalas na rason ng paghihiwalay. Siyento-porsiyento raw ng naghihiwalay ay nagsisimula sa kasalan. Oo nga ano.
* * *
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

vuukle comment

IKA

IKE

MISIS

PILIPINO STAR

SI IKE

SI MISIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with