^

PSN Opinyon

Ipinagagawang bahay ng ex-official para sa kanyang chiching nakatiwangwang na!

-
ALAM n’yo bang nakatiwangwang na ang ipinagagawang malaking bahay ng chiching ng isang ex-government official?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Vice President Tito Guingona; Press Asst. Sec. Ching Suva at Thelma Capistrano ng Malacañang.

Binabati ko ang aking mga dating kasamang janitor sa United Textile Mills, Inc. Manggahan, Pasig na sina Nestor Coloma, Jose Patricio, Joe Tagle, Berto Yasay, Sgt. Nick Coloma at si Felipe "Ipe" Jose.
* * *
Alam n’yo bang nakatiwangwang na ngayon ang ipinagawang bahay ng ex-government official na para sana sa kanyang chiching?

Ayon sa aking bubuwit, ang naturang bahay na nakatiwangwang na ngayon ay nasa Banaba St., Forbes Park, Makati City. Malaki ang loteng kinatatayuan ng bahay. Two-storey at meron pang swimming pool. Naudlot ang pagpapagawa sa bahay nang magsimula ang impeachment proceedings laban kay dating President Erap Estrada.

Maniniwala ba kayo na dala-dalawa pa noon ang gumagawang heavy equipment para sa konstruksyon ng bahay. Ang nakalulungkot na pangyayari ay nang mapatalsik si Estrada at hindi na natuloy ang pagpapagawa ng bahay.
* * *
Hindi natapos yung paglalagay ng mga tiles na para sana sa swimming pool. Meron nang mga poste at meron na ring bubungan ang bahay kaya lang ay napaka-bare pa. Wala pa itong flooring, division at dingding.

Ayon sa aking bubuwit, dahil nauulanan ay unti-unti nang nasisira ang structure ng bahay.

Sayang ano? Ilang milyong piso kaya ang halaga sana nu’ng bahay?

Ayon sa aking bubuwit, ang bahay na ipinagawa ng ex-government official ay para sana sa isang mestizang chiching.

Nabayaran na kaya ’yung may-ari ng hardware na kinunan nila ng mga construction materials?

Ang nasabing bahay na hindi natapos ay para sana sa isang dating flight attendant ng Philippine Airlines. Ito ay may asawa at mga anak subalit nakipaghiwalay sa kanyang mister dahil sa indecent proposal ng ex-government official.

Tinanggap ng dating flight attendant ang indecent proposal kaya ibinigay naman ang lahat ng kanyang luho. Di ba ang unang regalo sa kanya ni Bossing ay gold Rolex?

Ang chiching na masuwerte na sana pero minalas pa sapagkat hindi natapos ang ipinapagawang bahay sa Forbes Park ay si... Ms. R.L. as in Ralph Lauren.

vuukle comment

AYON

BAHAY

BANABA ST.

BERTO YASAY

CHING SUVA

FORBES PARK

JOE TAGLE

JOSE PATRICIO

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with