Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Vice President Tito Guingona; Press Asst. Sec. Ching Suva at Thelma Capistrano ng Malacañang.
Binabati ko ang aking mga dating kasamang janitor sa United Textile Mills, Inc. Manggahan, Pasig na sina Nestor Coloma, Jose Patricio, Joe Tagle, Berto Yasay, Sgt. Nick Coloma at si Felipe "Ipe" Jose.
Ayon sa aking bubuwit, ang naturang bahay na nakatiwangwang na ngayon ay nasa Banaba St., Forbes Park, Makati City. Malaki ang loteng kinatatayuan ng bahay. Two-storey at meron pang swimming pool. Naudlot ang pagpapagawa sa bahay nang magsimula ang impeachment proceedings laban kay dating President Erap Estrada.
Maniniwala ba kayo na dala-dalawa pa noon ang gumagawang heavy equipment para sa konstruksyon ng bahay. Ang nakalulungkot na pangyayari ay nang mapatalsik si Estrada at hindi na natuloy ang pagpapagawa ng bahay.
Ayon sa aking bubuwit, dahil nauulanan ay unti-unti nang nasisira ang structure ng bahay.
Sayang ano? Ilang milyong piso kaya ang halaga sana nu’ng bahay?
Ayon sa aking bubuwit, ang bahay na ipinagawa ng ex-government official ay para sana sa isang mestizang chiching.
Nabayaran na kaya ’yung may-ari ng hardware na kinunan nila ng mga construction materials?
Ang nasabing bahay na hindi natapos ay para sana sa isang dating flight attendant ng Philippine Airlines. Ito ay may asawa at mga anak subalit nakipaghiwalay sa kanyang mister dahil sa indecent proposal ng ex-government official.
Tinanggap ng dating flight attendant ang indecent proposal kaya ibinigay naman ang lahat ng kanyang luho. Di ba ang unang regalo sa kanya ni Bossing ay gold Rolex?
Ang chiching na masuwerte na sana pero minalas pa sapagkat hindi natapos ang ipinapagawang bahay sa Forbes Park ay si... Ms. R.L. as in Ralph Lauren.