^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng daga

-
Ang mga hayop sa buong kagubatan ay parang isang masayang pamilya. Sa mahabang panahon ay walang nanggugulo sa kanilang mga tao. Bawat hayop ay gumagala na walang takot o pangamba.

Masagana ang pagkain mula sa mga puno at mga taniman. Halos lahat ay kumakain ng gulay at prutas kaya parang nasa paraiso sila.

Isang araw nagulat ang mga hayop nang dumating ang mga mangangaso. Binabaril ang mga hayop at ibon. Pati ang mga isda sa ilog ay binabaril.

Nabahala ang lahat ng mga hayop maliban sa daga. Alam ng daga na walang may interesadong kumain sa kanya.

‘‘Ako ay walang problema. Hindi ako kinakain ng mga tao,’’ sabi nito sa sarili.

Walang tigil ang pangangaso. Bawat hayop na hinuhuli ay tinatangka namang tulungan ng kapwa hayop maliban sa daga.

Walang pakialam ang daga sa nangyayari. Nakahalukipkip siya at nakatawa. ‘‘Ako ay isang daga. Hindi interesado ang mga tao sa akin. Kayong mga hayop ay kinakain nila. Kaya problema ninyo iyan hindi akin.’’

Dumating ang panahon na halos lahat ng mga hayop sa kagubatan ay nalipol na.

Isang araw, may dumating na mangangaso. Hinuli ang daga at inilagay sa isang kulungang alambre.

‘‘Ako ay isang daga’’ sigaw niya sa mangangaso. ‘‘Hindi ninyo ako dapat hulihin.’’

‘‘Tama ka, daga’’, sagot ng mangangaso. ‘‘Pero wala ng ibang hayop maliban sa iyo. Kaya kahit ikaw ay pagtitiyagaan na lang namin.’’

ALAM

BAWAT

BINABARIL

DAGA

DUMATING

HAYOP

ISANG

KAYA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with