ORA MISMO - Bayan muna bago bulsa!
July 3, 2001 | 12:00am
Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO si House Speaker Joe de Venecia. Congrats at mabuhay ka!
Palakpak tenga si Juan dela Cruz sa mga banat ni Prez Gloria na kalusin ang mga sahod ng mga senior executive ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) at maging ang government financial institutions (GFIs) porke lugmok ang gobyerno – kapos sa pitsa.
Nasilip ni Prez Gloria ang grabeng suweldo ng mga top brass official na itinalaga niya sa puwesto nang umupo siya sa Malacañang. P10 million kung ipa-plus-plus bawat taon.
Kapos sa pondo ang administrasyon ni Prez Gloria kaya reporma muna bago porma. Dapat bayan muna bago bulsa! Itama at tigilan ang maling sistema tumulong kayo kay Prez Gloria hindi para sa pansariling interes kundi sa interes nang nakararaming Noypi.
Tularan ninyo ang isang opisyal diyan sa Bureau of Internal Revenue. Dati sa pribadong kompanya ito namamasukan at ang sahod ay hindi bababa sa P.7 million pero ngayon gusto niyang tumulong kay Prez Gloria. Ipinagpalit niya ang P700,000 sa P30,000 sahod kada buwan.
Suwerte ang mga itinalaga ni Prez Gloria sa nasabing opisina bukod sa naglalakihang suweldo ay libre pakotse, gasolina at may drayber pa. Hindi basta sasakyan mga luxury vehicles.
"Kanino ba kinakaltas ang pitsang sinasahod nila?’’ tanong ng kuwagong Kotong Cop.
"Siyempre sa pawis ni Juan dela Cruz,’’ sagot ng kuwagong naghuhukay ng kanyang libingan.
‘‘Payag ba naman ang mga GOCCs at GFIs top brass official na bawasan ang kanilang mga sahod?’’ tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.
‘‘Kaya nga galit si Prez Gloria. May mga pumapalag daw? sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
‘‘Mas maganda siguro kung ibibigay na lang nila ang mababawas na suweldo sa mga beterano ng bayan!’’ mungkahi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘‘Korek ka diyan.’’
‘‘Teka paano nga pala ang mga consultant sa gobyerno?’’
‘‘Maliliit ang sahod pero parang kabute ito sa government offices.’’
‘‘May ginagawa ba."
‘‘Pa-bright-bright.’’
‘‘Parebisa natin kay Prez Gloria ‘yan,’’
‘‘Para malaman niyang nagpapalaki lamang sila."
‘‘Ng ano?’’
‘‘Egg. He-he-he!’’

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended