Magkatulad si Atienza at Abalos: Walang political will
July 2, 2001 | 12:00am
Naglundagan sa tuwa ang mga gambling operators sa Maynila dahil sa pagbalik kamakailan sa bansa ni Manila Mayor Lito Atienza. Nabunutan sila ng tinik dahil si Atienza na ang pinuno ng Maynila at nawalan ng puwersa itong si Vice Mayor Danny Lacuna na dalawang linggo ring pinahirapan sila. Ibig lang sabihin niyan may political will si Lacuna kung paglaban sa pasugalan ang pag-uusapan.
Sa ngayon, alam na sa Maynila kung sino ang may diperensiya kina Atienza at Lacuna sa isyung pasugalan at sa darating na 2004 na halalan handa na silang maghusga. Kung walang political will itong si Mayor Atienza laban sa pasugalan ganoon din itong si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos. Hindi rin kumikilos si Abalos laban sa mga gambling lords na sina Diday, Buddy at Ely Kambingan kaya’t naniniwala ang mga taga-Mandaluyong City na may "parating" na grasya ang tatlong itlog sa kanya. Supporters kaya ni Abalos itong sina Diday, Buddy at Ely Kambingan kaya’t nagbingi-bingihan na lang siya?
Maging ang hepe ng private army ni Abalos na si SPO1 Felipe"Jun" Lim, alyas "Mr Grocery" ay walang magawa sa tatlong itlog. Kaibigan din ni Lim si alyas Momong ang bagong jueteng operator ng siyudad, anang aking espiya. Ang kapitalista ni Momong ay ang bayaw niyang Hapon. Sabi pa ng aking espiya, kaya kung naglilipana na ang pasugalan sa Mandaluyong, hindi lang si Lim ang dapat sisihin kundi pati na si Abalos, na walang political will.
Nagtataka naman ako dahil kung dumadami ang dakdak ng dakdak laban ke Abalos ukol sa paglipana ng pasugalan sa kanyang lugar bakit nanalo pa siya sa nakaraang election? Ibig sabihin niyan kahit may pagkukulang si Abalos, mahal pa rin siya ng mga tao, di ba mga suki?
Hatawin mo itong sina Diday, Buddy at Ely Kambingan Mayor Abalos para lubos na ang tiwala ng mamamayan sa ‘yong kakayahan bilang lider. Sa Maynila naman, nagsarahan ang ilang gambling lords hindi dahil sa mahigpit na kampanya laban sa kanila ng pulisya kundi dahil sa sobrang bigat ng hinihinging lingguhang intelihensiya sa kanila. Eh, kung ang pagtaas ng tatlong doble ng intelihensiya ang dahilan sa paghinto ng ilang financiers sa kanilang ilegal na trabaho, dapat sigurong tularan ng iba pang police district itong ginagawa ng mga "bataan" ni Sen. Supt. Nick Pasinos, ang hepe ng Manila police, di ba mga suki? Kung napupuna n’yong naglalakihan ang mga alahas ng mga miyembro ng pulisya ng Maynila, sigurado akong mga bata sila ni Pasinos. Panahon na siguro para yumaman ang mga pulis natin sa ilalim ng liderato ni PNP Chief Dir. Gen. Leandro Mendoza.
VK watch!–Walang gustong mangahas na tapatan ang makina o video karera ni Boboy Go sa Maynila dahil kina SPO4 Rene de Jesus at Jorge Urdaneta, anang espiya ko. Kahit pulis pa ang VK operator, hindi nila nilalabanan si Boboy Go dahil katakut-takot na raid ang abutin nila kina De Jesus at Urdaneta... Kung may video karera sa inyong lugar, sumulat sa akin para maiparating natin sa kinauukulan. Lakipan lang ang sulat ng logo ng Pilipino Star Ngayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended