^

PSN Opinyon

Tulungan akong ibulgar ang mga may-ari ng video karera

-


Marami ang nagmungkahi sa akin na tutal inumpisahan ko na rin lang ang pagbubulgar laban sa video karera machines dapat sigurong ituloy-tuloy ko na. Marami sa aking mga nakausap ang nagsasabing may mga kasamahan tayo sa hanapbuhay na gumawa ng kampanya laban sa video karera subalit lahat sila ay tumahimik matapos uminit ang pagbubulgar nila. Kung sabagay, hindi na maitago ang biglang pagdami ng video karera machines sa kalye hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa ibang bahagi pa ng bansa. Ibig sabihin nito, dumarami na rin ang bilang ng mga drug addict sa ating paligid.

Kung wala pa raw kikilos para pansinin ang problemang dulot ng video karera, paano na lang ang kinabukasan ng mga kabataan, lalo na ang mga estudyante, na nagugumon sa naturang sugal. Napapansin kasi ng karamihan na hindi kumikilos ang administrasyon ni Presidente Arroyo, maging ang kapulisan, ukol sa problema. Marami ang nagsunog ng video karera machines ng nakaraang mga araw, kabilang na rito si Interior Secretary Joey Lina subalit nangangamba ang sambayanan na palabas lamang ang mga ito para bumango ang ilang opisyales ng gobyerno.

Sinabi ng aking mga nakausap na tulad ng pagsunog ni Lina ng video karera machines ganoon din ang init ng unang kampanya niya laban sa jueteng subalit sa bandang huli ay bumigay din. Bueno, tinatanggap ko ang alok ng mga nakausap ko at tuluy-tuloy na itong pagbubulgar ko laban sa video karera. Tinatawagan ko kayo mga suki na tulungan ako dahil aaminin ko hindi naman magtatagumpay itong gagawin ko kung hindi dahil sa pakikipagtulungan n’yo.

Ang dapat lang gawin mga suki ay sumulat kayo sa akin kung saan ang puwesto ng mga video karera machines, kung sino ang may-ari at kung sinu-sino ang nakikinabang dito, kabilang na ang ‘‘tong’’ kolektor ng kapulisan natin. Hindi na kailangang magpakilala para maproteksiyunan kayo. Ang gagawin lang, lakipan ang inyong sulat ng logo ng Pilipino Star NGAYON at presto… ipararating na natin sa kinauukulan para aksiyunan ang video karera sa lugar n’yo. Narito ang aking address c/o Pilipino Star NGAYON corner Railroad and R. Oca Sts., Port Area, Manila.

Uunahan natin mga suki itong puwesto nina Boboy Go ng Maynila; Renel ng Quezon City; PO3 Jerry San Juan ng Pasay City; Boy Recto ng Valenzuela at Rene Hapon ng Malabon at Navotas. Ang lima kasi ang malalaking video karera operators sa Kamaynilaan kaya’t nararapat lang na unahin sila, di ba mga suki?

Tinatawagan ko rin ang mga magulang, principal at teachers na sumali sa ating kampanya at idulog sa akin ang mga video karera na malapit sa eskuwelahan nila. Kung tinutuligsa natin ang ating kapulisan na hindi umaksiyon laban sa video karera, nararapat rin sigurong papurihan ang mga masigasig na mapahinto ito, di ba PNP Chief Dir. Gen. Leandro Mendoza Sir? Naumpisahan na rin lang natin ang kampanyang ito, dapat lang sigurong tapusin natin, di ba mga suki?

vuukle comment

BOBOY GO

BOY RECTO

CHIEF DIR

KARERA

LANG

MARAMI

PILIPINO STAR

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with