Cervical cancer
July 1, 2001 | 12:00am
Dumarami ang bilang ng mga babaing may cancer sa cervix. Ang cervix ay kuwelyo ng matris. Ayon sa dalubhasang obstetrician-gynecologist na si Dr. Concordia Martin Pascual, nakaaalarma ang bilang ng mga may cervical cancer. Sinabi ni Dr. Pascual na ang mga babaing may cancer sa cervix ay nakararamdam ng sakit sa tuwing makikipagtalik at may dugong lumalabas sa kanyang puwerta. Ipinaliwanag ni Dr. Pascual na iba ang amoy ng ‘‘discharge’’ na lumalabas sa babae matapos na siya ay makipag-sex. Karaniwang 35 anyos pataas ang babaing may cancer sa cervix. Ipinapayo ni Dr. Pascual na dapat na magpa pap-smear ang babae at least once a year. Kapag may nararamdamang kakaiba dapat na magpa pap-smear sa loob ng tatlong buwan o bawat anim na buwan.
Si Dr. Pascual ay kasalukuyang pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines at Philippine College of Gerentology and Geriatrics Inc. Siya rin ang nahalal na pangulo ng National Federation of Womens Club of the Philippines na madalas na magsagawa ng mga medical missions sa mahihirap na lugar sa Pilipinas. Nagsasagawa rin sila ng mga seminar sa pagluluto, programang pangkalusugan at iba pang livelihood programs sa iba’t ibang lugar sa bansa. Si Dr. Pascual ay isa sa mga nahirang na Gintong Ina awardee in medicine and allied sciences sa taong ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended