^

PSN Opinyon

2 barangay officials sa Bulacan gumagamit ng mga bata sa pagtutulak ng shabu

-
Mga bata ang ginagamit ng dalawang barangay officials sa Malis, Guiguinto, Bulacan para makapagkalat ng shabu, ayon sa A1 information na natanggap ng column na ito. Dahil mga bata ang ginagamit kaya hindi siguro sila matimbog-timbog ng Bulacan police.

Sa nakalap kong mga dokumento, lumalabas na si Barangay Captain Benjamin dela Cruz at Barangay Councilman Teta Beña ang nasa likod ng pagpapakalat ng shabu sa nasasakupan nilang barangay.

Nakasisiguro ang impormante ng column na ito na ang pinagkukunan ng droga ng mga nabanggit na officials ay mula sa Caloocan City.

Alam n’yo ba PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza at National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco na ang mga nabanggit na barangay officials ang nagsisilbing drug pushers at protektor sa kanilang lugar. Hindi naman makapalag ang mga residente sa takot na summary execution ang kanilang kahantungan. Hindi nila maipagbigay alam sa kinauukulan ang "lihim" na gawain ng dalawang barangay officials.

Bukod sa dalawang hinayupak na barangay officials may apat pang alalay ang mga ito. Sila ay sina Marlon Ramirez, alyas Bobot; Joey Lim, Dante Barquin at Nicanor Baña, alyas Takne. Mga hinayupak kayo! Buhay pa kayo sinisilaban na ang mga kaluluwa n’yo sa impiyerno.

Binigyan pa ng certificate sina Joel Lim at Marlon Ramirez ng Sitio Tulkas, Malis, Guiguinto, Bulacan ni Bgy. Captain Dela Cruz na nagpapatunay na ang dalawang galamay niya ay walang illegal na transaksyon sa kanyang nasasakupang lugar.

Nabatid pa sa impormante ng column na ito na hindi raw halata ang modus operandi ng dalawang barangay officials dahil pawang mga batang lalaki ang binibigyan ng cellphone upang maitimbre sa mga ito kapag may ibang mukhang papasok sa kanilang lugar.

Biruin n’yo, mga bata ang sinasanay ng dalawang barangay officials para gumawa ng kademonyuhan. Ano naman kaya ang ginagawa ng magulang ng mga bata?

May protection kaya ang dalawang barangay officials sa Bulacan police dahil hindi matiklo ang mga ito kahit anong gawing surveillance.

Dapat ay ang dalawang barangay officials na ito ang binihag at pinugutan ng ulo ng mga Abu Sayyaf. Masahol pa kayo kay Abu Sabaya sa kademonyuhan dahil kahit bata ginagamit ninyo sa pagtutulak ng droga.

Ang masakit pa nito General Mendoza, nasa ilalim ng Guiguinto Police Station updated Badac watchlist ng mga pushers/users ang dalawang barangay officials at ang apat na galamay ng mga ito.

Sa dalawang barangay officials, ipaliwanag n’yo sa taumbayan kung may katotohanan ang inyong modus operandi dahil nasa listahan kayo ng tinaguriang Order of Battle ng PNP.

vuukle comment

BARANGAY

BULACAN

DALAWANG

MARLON RAMIREZ

OFFICIALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with