^

PSN Opinyon

Hiwaga ng chelation therapy

-
Saksi ako sa pagpapatotoo ng mga pasyenteg gumaling sa pamamagitan ng chelation therapy ng intermist-cardiologist-preventivist na si Dr. Art Estuita.

Isa sa nagpatotoo ay si Ma. Lourdes ‘‘Maloy’’ Garcia-Mallari na mula pa noong 1980 ay hypertensive na. Nang malaman niya ang tungkol sa chelation therapy ay nabuhayan siya ng loob. Sa personal na pag-aaral at pagsasaliksik, nabatid niya na ang kanyang katawan ay malilinis sa pamamagitan ng EDTA treatment, katulong ang healthy diet, vitamins and minerals at mapapawi ang lahat ng nararamdaman niya gaya ng pagkahilo, matinding pananakit ng ulo, paninikip ng dibdib, pamimitig, abdominal pains, at iba pa. Matapos ang 42 chelation sessions, malusog na si Maloy at normal na ang blood pressure, ECG, 2-D-Echo at Arterial Elasticity Index (AEI).

Isa pa ring may magandang testimonya ay ang isang 61 anyos na chemical engineer na may clogged arteries sa mahabang panahon. Matapos ang kanyang pangwalong chelation treatment, nakapag-jogging siya ng dalawang kilometro at unti-unting nawawala ang kanyang paghingal at hirap sa paghinga. Magana na siyang kumain at nawala rin ang kanyang chest pains. Matapos ang kanyang ika-15 chelation napuna niya na nawala ang wrinkles niya sa noo at mga kulubot sa mukha. Sa kanyang ika-30 chelation ay ganap nang mabuti ang kanyang pakiramdam.

Matatagpuan ang klinika ni Dr. Estuita sa 1986 Taft Avenue, Pasay City.

vuukle comment

ARTERIAL ELASTICITY INDEX

CHELATION

DR. ART ESTUITA

DR. ESTUITA

ISA

KANYANG

MALOY

MATAPOS

PASAY CITY

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with