Ang talinghaga ng pisaan
June 28, 2001 | 12:00am
Ang bayang iyon ay malayo sa kabihasnan. Tahimik at kung Linggo lamang nagiging maingay dahil sa mga nagtitinda ng sari-saring kalakal. Ilang mga magsasaka mula sa karatig-nayon ay dumarayo para itinda ang kanilang mga prutas at gulay.
Tuwing Mayo ang piyesta ng bayan. Siyempre mayroong perya, palabas, pasugal at amateur contest.
Nang araw na iyon ay nakapaligid ang mga tao sa isang paligsahan. Sinuman ang makapiga ng dalandan ng pinakamasaganang katas ay tatanghaling panalo. Nakapila ang mahigit sa isang dosenang sasali.
Nagsisigawan at nagpapalakpakan naman ang mga nanonood.
Ang unang sumali ay isang magsasaka. Ang napiga niya ay dalawang kutsarang katas ng dalandan. Nagpalakpakan ang lahat.
Sumunod ang isang boksingero. Nakangiting piniga ang dalandan. Tumulo ang katas at napuno ang apat na kutsara. Naghiyawan ang mga nanonood.
Ang pangatlo ay isang maskuladong barbelista. Piniga ang dalandan at anim na kutsara ang tumulong katas. Nagsigawan ang mga nanonood.
Ang panghuli ay isang payat na lalaki ang pumiga ng dalandan. Walang ingay ang lahat. Nang mapisa ang dalandan ay 10 kutsara ang nakatas. Takang-taka ang lahat.
"Ano ang ba ang trabaho mo?" tanong ng lider ng contest.
Sagot ng payat na lalaki: "Ako po ay kolektor ng buwis sa BIR."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest