^

PSN Opinyon

KRUSADA - Wanted: Alternative Philippine justice system

- Dante L.A.Jimenez -
Sa paglipas ng panahon, natutunan nating maniwala at tanggapin na ang ating mga Korte lamang ang may karapatang magbigay ng hustisya sa mga biktima, at magpataw ng kaparusahan sa mga kriminal.

Ngunit sa paglipas din ng panahon, nakikita rin natin ang pagbabago sa takbo ng pamamalakad ng ating Justice system, na kung saan ay apektado agad ang kapakanan ng biktima, at hindi ng akusado. Naririyan na ang napakaraming pangyayari na kung saan ang mga kaso ng mga biktima ay bumibilang na ng ilang taon at sinasapot na sa loob ng ilang mga Korte.

Sa karanasan ng maraming biktima ng karahasan at katiwalian nitong mga nagdaang taon, tila mahirap sabihin na kakampi ng mga biktima ang ating Justice system. Marami nang pagkakataon na kung saan ay natunghayan natin ang pagtindi ng pagdadalamhati ng mga naiwan ng biktima ng karahasan dahil sa pagkakait ng hustisya sa mga ito.

Ang pananaw na ang hustisya ay hindi naipagkakaloob sa maraming biktima ng karahasan at katiwalian ang pangunahing dahilan ng pagkakabuo ng VACC.

Masakit tanggapin para sa isang biktima ng karumal-dumal na krimen na mapatawan lamang ang isang kriminal ng kaparusahang hindi naaangkop sa krimeng nagawa, bagamat alam naman nating lahat na may parusang kamatayan para sa ganitong mga uri ng krimen.

Bago ibinalik ang parusang kamatayan noong 1994, ang pagkulong sa mga kriminal ay ang tanging paraan ng pinakamabigat na kaparusahan sa ating lipunan. Ngunit ito ba ay maituturing pa ring kaparusahan kung puwede naman palang magpiyesta ang mga bilanggo, at bigyan ng layang magpasarap-sarap sa loob ng bilangguan? Kung gayon, kaunti na lamang ang pagkakaiba natin sa mga bilanggo? Kung ganito ang sistema, ang parusang kamatayan ba ngayon ang mas epektibong paraan ng pagbibigay ng hustisya sa mga biktima?

Ang hustisya ay isang likas na karapatan na dapat igalang ng lahat. At bilang isang karapatan, ito ay dapat pangalagaan, sa pangunguna ng ating Justice system.

Ngunit ang tanong ng mga biktima ng krimen: Matutupad pa kaya ang pangarap na ito, o kailangan na ba natin ang isang alternative justice system?

ATING

BIKTIMA

KORTE

KUNG

MARAMI

MASAKIT

MATUTUPAD

NARIRIYAN

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with