^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Shabu at Abu kapwa delikado

-
Habang nakatutok ang pamahalaan sa mga bandidong Abu Sayyaf tila nalilimutan naman ang isa pang malaking problema na sumisira sa mga kabataan sa kasalukuyan – ang shabu. Habang patuloy ang pagbabanta ni President Gloria Macapagal-Arroyo na "pupulbusin" at "uulanin ng bala" ang mga bandido kataka-takang wala namang naririnig na pupuksain niya ang mga salot na drug lords at mga galamay nitong pushers. Walang all-out war laban sa mga ito gayong limang buwan na siya sa puwesto. Katulad ng mga bandidong Abu Sayyaf, ang mga drug lords at pushers ay walang ipinagkaiba sa mga kriminal na hindi malipul-lipol at patuloy pa sa pagdami. Kung hindi kikilos ang pamahalaan at laging nakatutok sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu, kawawa ang mga kabataang pipinsalain ng shabu.

May dahilang maglipana ang mga salot na drug pushers partikular dito sa Metro Manila sapagkat kasabwat nila ang karamihan sa mga miyembro at opisyal ng Philippine National Police (PNP). Ilang pulis na ba ang naakusahang kumakalong at nagpoprotekta sa mga drug lords at pushers? Hindi na mabilang at dumarami pa ito dahil sa walang ngipin ang pagpapatupad ng batas o kung may ngipin man, mapurol. Mayroong mga pulis na pinatatakas pa ang mga nahuli nilang drug pushers kapalit ng malaking pera. Hindi na kataka-takang dumami ang lahi ng mga salot sapagkat ang mga huhuli sa kanila ay natatapalan nila ng pera. Ganyan lamang kadali ang pagkita ng pera ng mga corrupt na pulis. Isang malaking negosyo ang shabu sa Pilipinas kaya walang tigil ang pagtungo rito ng mga dayuhang drug syndicate upang ideliber ang kanilang produkto. Madali nga namang masuhulan ang mga corrupt na pulis at iba pang tagapagpatupad ng batas. Alam nilang pera lamang ang katapat ng mga ito.

Hindi na kataka-takang pati ang mga nakakulong na drug lord o pusher ay maaari nang makatakas kahit na nakakulong pa sa guwardiyadong selda. Kamakalawa, isang miyembro ng 14K drug syndicate ang nakapuga sa detention cell sa Camp Crame. Nakatakas si Rosalia Manansala, 56, alyas "Mama Rose" makaraan umanong lagariin ang rehas sa kinakukulungang selda sa Narcotics Group. Walang anumang natakasan ni Manansala ang duty officer na si PO3 Felipe Gonzales.

Kung matigas ang pagbabanta ni GMA sa mga Abu Sayyaf na dumudurog sa ekonomiya ng Pilipinas, dapat ding balingan niya ang mga salot na nagpapakalat ng shabu upang mailigtas ang mga kabataan sa pagkasira ng buhay. Putulin ang sungay ng mga pulis na protector ng mga salot upang makatiyak na wala nang kakalat na shabu na maging sa mga liblib na barangay ay laganap na rin at ginagawa nang halimaw ang mga kabataan.

ABU SAYYAF

CAMP CRAME

DRUG

FELIPE GONZALES

HABANG

MAMA ROSE

METRO MANILA

NARCOTICS GROUP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with