^

PSN Opinyon

H'wag ako kundi ang mga corrupt sa PNP ang pagdiskitahan

-
Marami ang nakikiusap sa akin na tigilan na ang pagbubulgar ukol sa naglilipanang jueteng at iba pang ilegal na pasugalan sa bansa sa pangambang magalit ang administrasyon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at biglang magkaroon ng malawakang kampanya para nga ipasara sila. Pag nagkagano’n kasi, ayon sa mga nakausap ko, mawawalan ng kabuhayan ang mga mahihirap, pati na kapulisan na ang kinikilos sa ngayon ay kung paano mabawi ang hindi nila kinita noong panahon ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Senador Ping Lacson at hindi para tugisin ang mga kriminal.

Napupuna ko rin na may bumubuntot sa akin na isang kotse kahit saan ako pumunta. Pero ang lahat ng mga ’yan ay hindi ko inaalintana dahil trabaho lamang itong ginagawa ko at walang halong personalan. Hindi sila ang dapat maghusga sa akin kundi kayo mga suki, na tumatangkilik sa patuloy kong pagbubulgar ng mga bugok sa ating lipunan.

Kapag tumahimik na ako, paano malalaman ng ating mga kababayan ang tunay na pangyayari sa liderato ni GMA, lalo na ang tungkol sa jueteng at iba pang uri ng sugal. Imbes na ang mga corrupt, inept at undisciplined sa hanay ng ating kapulisan, bakit ako ang kanilang pinagdidiskitahan? Saan ang pagbabago? Ibalik si Erap! He! He! He! Biro lang.

Sinabi ng aking mga espiya sa Camp Crame na marami ang nasasaktan kapag ibinubulgar ko ang mga opisina at opisyal sa PNP maging ang kani-kanilang mga kolektor sa jueteng at ilegal na pasugalan. At ang hamon ngayon ng mga reformist sa hanay ng pulisya kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza ay imbestigahan ang balitang pati opisina niya ay tumatanggap ng P8-milyon sa mga jueteng lords kada buwan. Ano ba ’yan?

Ang milyones kaya na ito ang dahilan kung bakit hindi makakilos si Mendoza laban sa jueteng at ilegal na pasugalan? Tanong lang po Gen. Mendoza, Sir. Ayon pa sa aking mga espiya, ang nagsisilbing kolektor ng opisina ni Mendoza ay ang isang nagngangalang Richard na umano’y graduate ng Philippine Military Academy (PMA). Ang bigat ’no? Apat na taong pinag-aral ng gobyerno itong si Richard para maging kolektor lang sa jueteng. Kawawang Pilipinas!

Si Richard ay nakadaop-palad ko na. Mukhang maganda ang lagay mo ngayon ha, Sir? Sinabi ng aking espiya na si Richard ay kasalukuyang naka-assign sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Chief Supt. Nestorio Gualberto. Kumusta si Rey Cachuela, Sir Gualberto?

Ngayon, kung naglilipana ang jueteng at ilegal na pasugalan sa inyong mga lugar mga suki, kasalanan ko ba ’yan? Hindi naman ako ang nagbigay ng green light diyan. Sa banta naman na baka magalit ang kapulisan at ipasara ang mga pasugalan, aba trabaho nila ’yan na dapat gampanan.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JUETENG

KAWAWANG PILIPINAS

MENDOZA

NESTORIO GUALBERTO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with