Paglago ng negosyo ay huminto sa pagsasaka ang lalaki. Naging katulong na lang siya ng asawa sa pagtitinda ng prutas.
Hindi rin nakapagtataka na maraming tindahan ang sumulpot sa mismong kalsada. Maraming biyahero at mga sasakyang dumadaan at humihinto para mamili ng prutas.
Isang pinsan ng magsasaka ang nagtayo rin ng tindahan ng prutas. Ginaya rin ang tinda at ayos ng mga prutas. Pati ang presyo ay parehong-pareho.
Napansin ng pinsan na anuman ang gawin niyang panggagaya ay malakas pa rin ang tindahan ng magsasaka. Pareho namang maganda ang asal ng dalawang magpinsan.
Gustong malaman ng pinsan ang dahilan kaya pinapunta ang anak sa tindahan ng magsasaka para madiskubre ang sekreto. Pagkalipas ng dalawang araw ay nalaman ng pinsan ang dahilan.
Iyong suha ang dahilan, Inay, sabi ng anak. Wala nang iba pa.
Paanong magiging ang suha ang kanyang sekreto. Natikman ko ang kanyang suha. Saksakan ng asim. Nagtataka nga ako kung bakit patuloy na pinagbibili.
Totoong suha ang dahilan, Inay, paliwanag ng bata. Sinasabi sa mga namimili na ang suha ay maasim at huwag silang bibili dahil mababang klase. May nakabukas pang suha at pinatitikim ang lahat para patunayan kung gaano kaasim.
Di dapat magsialisan ang namimili dahil sa maasim na suha.
Hindi, Inay. Humahanga ang mga parukyano dahil sa kanyang katapatan. Kaya pagsinabi na ang ibang paninda ay matamis, ang lahat ay naniniwala. Pinapakyaw ng mamimili ang iba pa niyang prutas.