Gen. Aliño kaya mo bang basagin ang '3 Itlog'?
June 17, 2001 | 12:00am
Magsisilbing isang malaking hamon sa liderato ni Chief Supt. George Aliño, hepe ng Eastern Police District (EPD), itong mga gambling lords na tinaguriang Tatlong Itlog diyan sa Mandaluyong City. Kaya ko hinihikayat itong si Aliño na hambalusin itong sina Ely Kambingan, Diday at Buddy dahil wala namang ginagawang aksiyon ang mga private army ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na pinamunuan ni SPO1 Felipe June Lim, alyas Mr. Grocery, para mapahinto ang operasyon nila. Magkano kaya ang dahilan?
Kung mapahihinto ni Aliño itong Tatlong itlog, sasaludo na ako sa kanya at maniniwala na honest-to-goodness nga ang ginagawa niyang kampanya laban sa ilegal na sugal sa kanyang sakop at taliwas sa mga pangyayari sa ibang distrito ng pulisya. Open City na kasi ang pasugalan sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila at mukhang si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza lang ang hindi nakakaalam nito.
Nakipagkita sa akin itong si Aliño para pabulaanan na talamak na ang pasugalan sa EPD lalo na ang jueteng ni Cris dela Paz sa Marikina City at Pasig City. Ayon kay Aliño, walang Charlie sa kanyang unit maliban kay Charlie Abayon ng pulisya ng Mandaluyong City na wala namang pending administrative case o derogatory records. Wala rin umano siyang itinatag na Special Operations Group (SOG). Pero ayon sa aking espiya binuwag ang grupo matapos ang aking pagbubulgar at ang mga miyembro nga nito ay nasa District Police Intelligence and Operations Group (DPIOG) na.
Sino naman kaya itong Charlie na patuloy na umiikot sa EPD at ginagamit ang pangalan ni Aliño? Ayon kay Charlie, kasama niya si Aliño sa Central Police District (CPD) at sa Department of Interior and Local Government (DILG). Pati nga gambling lords sa EPD ay bukambibig ang pangalan ni Charlie. Nagsisinungaling kaya si Aliño. Hihintayin ko ang report ng aking espiya na ipinadala ko diyan sa EPD. Ika nga sa bandang huli lalabas din ang katotohanan. Pero kung mapatigil kaagad ni Aliño ang operasyon nitong Tatlong Itlog mapipilitan akong makumbinsi sa kanyang sinasabi. Kasi nga marami sa opisyales ng pulisya natin sa ngayon ang mahilig mambola para pagtakpan ang mga kakulangan nila. Sige birahin mo na ang Tatlong Itlog para malinis ang pangalan mo General Aliño, Sir.
Tandaan mo lang itong si Buddy ang pinakamalaking kubrador sa jai alai bookies ni Val Adriano, ang hari ng jai alai sa Metro Manila. Si Adriano ay nahuli ng kanyang asawa kamakailan sa aktong pambababae kayat nag-alsa balutan. Sobrang dami ng pera si Adriano, pero sira naman sa pamilya, eh di wala rin, di ba mga suki? Kapag hindi naman umaksiyon si General Aliño laban sa Tatlong Itlog nangangahulugan kayang nakausap na ni Charlie sina Diday, Ely Kambingan at Buddy? Hahalukayin ko ang balitang iyan. Kung hindi kaya ni Mayor Abalos ang Tatlong Itlog si Aliño na kaya ang kasagutan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest