Ngayong hapon ay gaganapin sa Philamlife Theatre sa UN Avenue, Manila, ang natatanging paghahandog ng parangal sa mga Gintong Ama at Gintong Ina na itinataguyod ng Golden Mother and Father Foundation Inc. sa pamumuno ng socio-civic leader na si Jonathan Navea. Si President Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakalooban ng Ina ng Bayan Award at si Vice President Teofisto Guingona naman ang Ama ng Bayan Awardee. Ilan sa mga pararangalan bilang Gintong Ama ay sina First Gentleman Mike T. Arroyo, bagong Quezon City Mayor Sonny Belmonte, Dr. Arturo V. Estuita, Dr. Rodolfo Azanza, Leonardo dela Cruz, Zoilo Dejaresco, Ian P. Vendivel at Director Willie Schneider. Ang yumaong President Diosdado Macapagal ay pararangalan ng special posthumous award bilang Gintong Ama.
Ang Gintong Ina awardees ay kinabibilangan nina Senator Loren Legarda-Leviste, Dr. Grace Palacio-Beltran, Dr. Concordia M. Pascual, Venus P. Manuel at Elvira N. Estuita, maybahay ni Dr. Art Estuita na isang registered nurse.
Ipinagdiriwang taun-taon ang Gintong Ina at Gintong Ama. Kabilang sa mga nakatanggap na ng mga naturang awards ay sina ex-President Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, dating Vice-President Salvador Laurel, dating Speaker Jose de Venecia, Pete at Boots Roa, Vilma Santos-Recto at marami pang kilalang personahe sa larangan ng edukasyon, medisina, business, socio-civic-religious, arts and culture, entertainment at public service.
Mabuhay ang mga Gintong Ama at Gintong Ina Awardees!