^

PSN Opinyon

Toxic fumes

-
Ayon sa mga pulmonologists ng Philippine College of Chest Physicians madalas na ang nagiging dahilan ng respiratory tract infections ay ang mga tinatawag na household fumes and pollutants bukod pa sa alikabok at iba pang nakalalasong usok sa labas ng bahay.

Ayon sa mga chest doctors ang pinamumugaran ng toxic fumes sa bahay ay ang mga muwebles at appliances na yari sa kahoy, mga panlinis na madalas na iadvertise sa TV bilang cleaning substances at ang mga gas na gamit sa pagluluto. Ang mga nabanggit na pollu-tants ay nagtataglay ng formaldehyde, formalin at petroleum destilates na dahilan ng pagbabara ng ilong, paghatsing, pagkakaroon ng sipon, ubo at asthma. Ang formaldehyde ay sangkap sa wood cement o glue at meron din nito ang mga cleaning substances na gamit sa paglilinis ng carpet, tiles at sahig.

Ipinaliwanag ng mga chest doctors na ang matagal at palagiang exposure sa toxic fumes ay masama sa ating immune system at humihina ang katawan sa paglaban sa infections. Para maiwasan ang mga pollutants sa bahay narito ang payo ng mga pulmonologists: Gumamit ng cleaning substances na walang formaldehyde; sa halip na gumamit ng mga air freshners ay buksan ang mga bintana para pumasok ang sariwang hangin at palabasin ang toxic fumes lalo na kapag nagluluto at naglilinis ng bahay. Patayin ang airconditioner at buksan ang mga bintana sa umaga, huwag manigarilyo at kapag tapos nang magluto ay siguraduhing naisara ang cooking gas.

AYON

BAHAY

CHEST

FUMES

GUMAMIT

IPINALIWANAG

PATAYIN

PHILIPPINE COLLEGE OF CHEST PHYSICIANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with