^

PSN Opinyon

Misis ni Reghis Romero hindi nagalit sa chiching na kasama sa Dos Palmas resort

-
Alam n’yo bang hindi nagalit ang misis ni Mr. Reghis Romero nang mabuking ito na may kasamang chiching sa Dos Palmas resort, Palawan?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Raymund Flores, Bro. Jun Espino ng COA; Bro. Wilson Amper, Daisy Tamayo ng PHCR at Dr. Conrad Montemayor from Tess Gutierrez ng Metrobank, West Ave. branch.
* * *
Alam n’yo bang hindi naman pala nagalit ang misis ni Mr. Reghis Romero ng R-2 Builders nang mabuking na meron pala itong kasamang chiching nang ma-hostage ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Dos Palmas resort, Puerto Princesa City?

Ayon sa aking bubuwit, nabahala rin si Mrs. Romero sa pagkakadukot sa kanyang mister subalit hindi na siya nagselos pa kung sino ang kasama nito nang madukot.

Alam n’yo ba kung bakit?

Kasi, hiwalay na pala ang mag-asawa. Itong si Mr. Romero ay meron na palang live-in partner na nakatira ngayon sa kanyang mansion sa Greenmeadows, Quezon City. Dito sa ka-live in ni Mr. Romero ay meron na siyang dalawang anak.

Samantala, si Mrs. Romero naman ay nakatira naman sa Ayala Heights, Parañaque City.

Kahit may edad na si Mrs. Romero ay maganda pa rin.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung hindi nagalit si Mrs. Romero baka ang live-in partner ang nagalit doon sa sinasabing siyota umano ni Mr. Romero na si Ms. Ma. Rizza Santos.

Bagamat itinatanggi ito ni Mr. Romero na hindi niya chiching si Ms. Santos sinasabi naman ng kanyang mga staff na matagal na nilang alam na merong affair ang dalawa.

Pero bilib din ako rito kay Mr. Romero. Biro n’yo nautakan niya sina Abu ‘‘Duling’’ Sabaya. Nagtago si Mr. Romero sa ilalim ng kama ng pasyente sa Torres Memorial Hospital at nagsuot ng uniporme ng pasyente. Nang tumakas ito palabas ng hospital ay hinila lang daw niya ang bata at saka si Ms. Santos kaya sila nakawala sa mga bandido.

Matulis pala itong si Romero ano?

Ayon sa aking bubuwit, kung si Mr. Romero ay meron nang ibang live-in partner at meron pang bagong chiching, si Mrs. Romero naman ay meron din umanong ‘‘lover boy.’’

Ang lover boy umano ni Mrs. Romero ay walang iba kundi ang dating character actor, action star, director at shooter na si…

Magaling itong bumaril, meron pang scope ang kanyang .45 caliber.

Ang action star na medyo may edad na subalit matikas pa rin na live-in partner ngayon ng orihinal na misis ni Mr. Romero ay si actor E.G. as in Echo Golf.

ALAM

AYON

DOS PALMAS

MR. ROMERO

MRS. ROMERO

ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with