^

PSN Opinyon

Mga agaw na cellphone at pekeng diploma nagkalat sa Recto, Manila

-
Pinasyalan ng OK KA BATA! ang Aranque na matatagpuan sa Recto, Sta. Cruz, Maynila at nagulat ako nang makita ang maraming ibinebentang iba’t ibang modelo na cellphone na nakulimbat ng mga miyembro ng Agaw Cellphone Gang.

May nakalap na impormasyon ang OK KA BATA! na karamihan sa mga nakulimbat na cellphone ay mula sa iba’t ibang lalawigan at ibinabagsak sa mga nakapuwestong maliliit na estante sa may Aranque.

Bukod sa lantarang bentahan ng mga nakaw na cellphone umaalingasaw ang nasabing lugar dahil sa karumihan. Rizal Park at Fort Santiago na lang yata ang malinis na lugar sa Maynila. Ano ba naman ‘yan Manila Mayor Lito Atienza. Nakasisiguro ang OK KA BATA! na ang mga kinulimbat na mga camera at 2-way radio ng ABS-CBN at GMA 7 noong kasagsagan ng kaguluhan sa Mendiola ay matatagpuan din sa binanggit kong lugar.

Dapat nang salakayin ng mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang masugpo ang modus operandi ang mga hinayupak na ito.

Walang pakinabang ang taumbayan sa pamunuan ng Western Police District Office (WPDO) sa pamumuno ni Senior Supt. Nicolas Pacinos na tinagurian pa namang "Manila’s Finest Police" sa Metro Manila. Pwe!

Sigurado ang OK KA BATA! na protektado ang mga nagbebenta ng mga nakaw na cellphone ng mga ilang bugok na opisyal ng pulis-Maynila na nakatalaga sa WPD Station 3 at ilang opisyal sa Manila PNP Detachment Unit sa Manila City Hall.

Walang takot ang mga hinayupak at patuloy ang lantarang pagbebenta ng cellphone nang walang resibo o anumang papeles. Ngayong school opening siguradong marami na naman silang ibebenta dahil marami na namang mabibiktima ang Agaw Cellphone Gang. Marami na naman silang bibiktimahing estudyante.

May naaresto ngang mga miyembro ng Agaw Cellphone Gang pero pinalaya rin ang mga ito dahil nakapag-pipiyansa.

Dapat sa mga ito kapag nasakote ng pulisya e palihim nang itumba upang hindi na magkalat pa ng lagim sa Kamaynilaan. Salot sa bayan ang mga ito. Tutal sanay namang mang-salvage ang mga pulis. Kapag hinayaang mabuhay ang mahuhuling Agaw Cellphone member ay uulit muli at papatay pa ng mga inosenteng tao makapagnakaw lamang.

Huwag na ninyong hintayin pang may maganap na namang malagim na krimen katulad noong mga nakaraang buwan na ilang estudyante ang pinatay ng mga ito dahil sa cellphone.

Kapuna-puna rin ang pagdami ng mga naka-display na pekeng transcript of records, diplomas, birth certificate, death certificate o anumang papeles sa kahabaan ng Recto. Parang mga kabuteng nagsulputan sa tapat ng Isetann.

Gumising naman kayo Sir NBI Director Raynaldo Wycoco at CIDG Chief Nestorio Gualberto. Huwag kayong magbulag-bulagan at magbingi-bingihan sa mga nagaganap na kademonyuhan.

Mga Sirs, baka naman nakatimbre na sa inyo ang modus operanding ito kaya wala kayong aksyon?

vuukle comment

AGAW CELLPHONE

AGAW CELLPHONE GANG

ARANQUE

CELLPHONE

CHIEF NESTORIO GUALBERTO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAPAT

DETACHMENT UNIT

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with