Marami ang nagmungkahi na i-computerize na ang election para maiwasan ang dayaan. Ang mga kandidatong natalo ay nagpoprotesta na sila’y dinaya. Talamak daw ang vote-buying at pagpapalit ng mga ballot boxes. Sobra raw ang dagdag-bawas. Hindi masasabing na orderly at peaceful ang election. Marami ang napatay kabilang na ang ilan sa mga kandidato.
Sa lahat ng mga nangyari ay ang mga opisyal ng Comelec ang sinisisi. Ang mga ito mismo ay hindi magkasundo dahil sa umano’y selfish interest. Kung ang lahat ay pinaghandaang mabuti sana’y hindi naging palpak ang nakaraang election.
Kailan kaya tayo matututo sa mga naging karanasan natin sa election?