Kailan hindi papalpak ang election?
June 8, 2001 | 12:00am
Naiproklama na rin sa wakas, ang 13 nanalong senador subalit may pagsisisihan at akusasyon pa rin kaugnay sa nakaraang election. Katakut-takot na sisi ang binato sa Comelec ng Namfrel, Simbahang Katoliko at iba pang sektor. Palpak anila ang election. Marami ang nagreklamong hindi nakaboto. Sapagkat wala sa voter’s list ang kanilang pangalan. Nag-alboroto ang mga guro dahil sa pagkaantala ng mga balota at inireklamo ang hindi pagbibigay ng kanilang allowance. Mabagal ang canvassing of votes.
Marami ang nagmungkahi na i-computerize na ang election para maiwasan ang dayaan. Ang mga kandidatong natalo ay nagpoprotesta na sila’y dinaya. Talamak daw ang vote-buying at pagpapalit ng mga ballot boxes. Sobra raw ang dagdag-bawas. Hindi masasabing na orderly at peaceful ang election. Marami ang napatay kabilang na ang ilan sa mga kandidato.
Sa lahat ng mga nangyari ay ang mga opisyal ng Comelec ang sinisisi. Ang mga ito mismo ay hindi magkasundo dahil sa umano’y selfish interest. Kung ang lahat ay pinaghandaang mabuti sana’y hindi naging palpak ang nakaraang election.
Kailan kaya tayo matututo sa mga naging karanasan natin sa election?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended