Sungkitin ang estrelya ni Tor!
June 7, 2001 | 12:00am
Magandang trabaho para sa mabahong imahe ng Philippine National Police ang ipinakita ng mga tauhan ng Central Police District matapos nilang masakote ang pitong miyembro ng Bonnet Gang kamakalawa. Kabilang sa grupo ang isang bebot. Ang grupong ito ang umuupak sa mga banko sa Quezon City?
Million of pesos ang nakulimbat ng grupo ang masama lang niratrat nila ang mga taong walang kalaban-laban na ang gusto lamang ay magtrabaho at kumita ng kaunting pera sa marangal na paraan. Ilan ang nasugatan at naulila sa kagaguhan ng mga kamoteng ito.
Akala siguro ng Bonnet Gang ay pakaang-kaang itong si CPD Chief Supt. Rock Tor, este Koronel lang pala, hindi n’yo ba alam na intelligence officer ito.
Masyado kasing tahimik si Tor kaya ang akala nila ay patulug-tulog sa pansitan. Kung hindi kakausapin ay hindi rin magsasalita kaya hayun masyado nilang minaliit ang kakayahan ni General Tor, este, Koronel lang pala sorry, Sir!
Timbog ang mga kamote!
Sunud-sunod na malas ang ibinagsak kay Tor mula nang manungkulan itong CPD bossing. Hindi na tinantanan ng mga buwisit.
"Bakit ba Rock ang pangalan ni Bossing?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Bato ang puso niya kaya siguro Rock ang tawag," sagot ng kuwagong tiktik kalawang.
"Dapat pasalamatan ng mga kamoteng Bonnet Gang kasi nakatayo pa sila sa dalawang paa nila nang ihilera sa kamera," sabi ng kuwagong Kotong Cop.
"Pangit naman kung nakahiga baka sabihin mga tamad ang grupo ng Bonnet Gang tanghali na natutulog pa," ngiting asong sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Paano ngayon, beautiful ang imahe ng CPD?"
"Dapat lang no?"
"Kasi kung hindi, baka masibak."
"Sino?"
"Ang tulisan este mali pulis pala sa CPD."
"May balls ba si Rock?"
"Siyempre."
"Kung pag-uusapan ang command responsibilities."
"Magre-resign ito."
"Sa pagka-pulis?"
"Hindi."
"Saan?"
"Sa pagka-koronel."
"Bakit?"
"Para maging General."
"Sana mag-krus ang daan mo este, dila mo."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am