^

PSN Opinyon

Gov't official sumusuweldo ng P450-T isang buwan

-
Alam n’yo bang umaabot sa P450,000 kada buwan ang sinasahod ng isang official ng pamahalaan?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Atty. Rolly Cariaga ng MBC Legal Department; Espiridion Agnote, VW Juanito ‘‘Boy’’ Vano Jr., Bro. Mike Benjamin at Bro. Felipe Tabas Jr. ng AFPLC.
* * *
Alam n’yo bang daig pa ng official ng isang government owned corporation si President Gloria Macapagal-Arroyo kung laki ng suweldo ang pag-uusapan?

Ayon sa aking bubuwit, kung si GMA ay tumatanggap lamang ng suweldo na P35,000 kada buwan, itong official naman ng isang korporasyon ng pamahalaan ay P450,000 kada buwan.

Itong nasabing official ay dapat lamang tumanggap ng P180,000 na suweldo alinsunod sa regulasyon ng korporasyon subalit ito ay gumawa ng paraan upang lumaki pa.

Ang official ay hinirang ni GMA bilang chairman ng isang malaking corporation. Dahil sa naturang appointment natuwa ang official, chairman yata siya subalit bigla rin itong nalungkot dahil ang posisyon na chairman ay hindi pala makapangyarihan. Mas powerful pala ’yung president at Chief Executive Officer.

Pero, bilang isang astute politician, naghanap ito ng paraan para magkaroon ng powerful position at siyempre malaking sahod at allowance. Nakita niya ngayon ang isang subsidiary ng kanilang corporation, nagpa-appoint siya ngayon doon bilang chairman at CEO.

At presto, biglang lumaki ngayon ang kanyang sahod. Mula sa dating P180,000 na salary ay naging P450,000 na

Ang lakas mo namang sumahod Sir?

Ayon pa sa aking bubuwit, nang mailuklok ngayon bilang Chairman-CEO ang official gusto namang maglagay ng kanyang sariling Apostoles sa bagong kingdom.

Gusto naman niyang hirangin ngayon ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak bilang directors. Ang malungkot pa rito, ang kanyang anak na naglilingkod bilang Chief of Staff ay feeling Chairman-CEO na rin kapag wala roon ang kanyang tatay.

Sinisilip na rin ng kanyang anak na si Madam M. ang mga vacant positions upang mailuklok ang kanilang mga kamag-anak.

Ito ang malinaw na nepotism.

Ayon sa aking bubuwit, ang opisyal na isinusuka ng kanyang mga kapwa official at maging mga empleyado dahil masyadong masiba ay walang iba kundi si…

Gusto ba niyang magpaka-macho, Mr. Secretary?

Ito ay sumikat ng husto sa impeachment trial.

Ito ay si Mr. S as in Saksi.

vuukle comment

ALAM

AYON

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CHIEF OF STAFF

ESPIRIDION AGNOTE

FELIPE TABAS JR.

KANYANG

LEGAL DEPARTMENT

OFFICIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with