^

PSN Opinyon

ALAY-DANGAL - Pagbaba ng Espiritu Santo-pagsilang sa simbahan

- Jose C. Blanco S.J. -
Ngayon ay Pentekostes — 50 araw pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay, 10 araw pagkatapos ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Ang Pentekostes ay isang napakahalagang pangyayari. Ang gawain ng pagpapalaganap ng mabuting balita ay dapat magpatuloy. Si Jesus, ang Tagapagligtas, ay bumalik na sa langit. Subalit ang kanyang misyon at gawain ay magpapatuloy, Paano?’’ Sino ang magsasakatuparan ng kanyang misyon?

Sa Ebanghelyo ngayon, mismong si Jesus ang nagbigay ng kasagutan. Napakita siya sa mga alagad. isinugo niya sila sa kanyang misyon. Hiningahan niya sila ng kanyang Espiritu.

Tunghayan natin ang detalye ng makabuluhang pangyayari na iniulat ni Juan sa kanyang Ebanghelyo (Juan 20:19-23).

‘‘Kinagabihan ng araw ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Hudyo. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. ‘Sumainyo ang kapayapaan!’ sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Jesus, ‘Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.’ Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga, ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.’’


Ang muling-nabuhay na si Jesus ay may isang bagong kalidad ng buhay — isang pang-espiritwal na pamumuhay. Ang mga pinto ay nakapinid, datapwat siya’y nakapaglalampasan dito. Walang anu-ano’y nandoon na siya sa harapan ng mga alagad. Nais bigyang-kasiguruhan ng muling-nabuhay na Panginoon ang mga alagad. Binati niya sila ng kapayapaan. Pinuno niya sila ng kanyang kapayapaan.

Ang mga alagad ay hindi dapat magkamali kung sino siya. Siya rin ang parehong Jesus na ipinako sa krus. Ang mga marka sa kanyang mga kamay at tagiliran ang nagpapatunay nito. At ang mga alagad ay napuno ng makalangit na tuwa. Subalit ang pagpapakita mismo ay isang misyon. ‘‘Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.’’ Humayo at sabihin sa buong mundo na ako ay nabuhay na muli. Siya na ipinako sa krus ay nabigyan ng panibagong buhay.

Hiningahan niya sila ng kanyang Espiritu. Ang nangyari sa maliit na silid, na walang sinumang nakasaksi maliban sa kanilang mga sarili, ay naganap na lantarang nasaksihan ng mga Hudyo at hindi Hudyo mula sa iba’t ibang lugar ng Mediterranean. Ang Espiritu ay ibinuhos sa mga alagad.

Iyon ang pagsilang sa Simbahan. Nasa ikatlong milenyo na tayo. At milyun-milyon pa ang nangangailangang makapakinig ng mabuting balitang ito.

vuukle comment

ALAGAD

ANG ESPIRITU

ANG PENTEKOSTES

ESPIRITU

ESPIRITU SANTO

HININGAHAN

HUDYO

KANYANG

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with