Kalusin ang Abu Sayad
June 2, 2001 | 12:00am
Buong sambayanan ang apektado ng pagbulusok ng ekonomiya dahil sa kagaguhan ng Abu Sayad.
Pabor ang mga kuwago ng ORA MISMO sa ‘‘news blackout’’ ng gobyerno laban sa mga Abu Sayad. Saka na lamang i-release sa media kung ilan ang namatay sa parte nila, he-he-he! Nakikiramay sa inyo!
Takbo, Abu Sayad, takbo! Ito ngayon ang exercise na gagawin ninyo mula umaga hanggang gabi porke hindi kayo patatahimikin ng mga tuta este mali, militar pala na hahabol sa inyo.
Dalawampung innocent people ang tinangay ng Abu Sayad para lamang patakbuhin at ipatubos.
Sana sumali na lamang kayo sa nalalapit na marathon contest sa Luneta para hindi na nayanig ang Pilipinas sa kagaguhan n’yo. At baka may manalo pa sa grupo n’yo at maipadala pa ng Pilipinas sa 2004 Olympic games.
Sa ginawa ng Abu Sayad tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na hindi na sila sisikatan ng araw dahil magtatago sa dilim na parang mga asong ulol na nakalawit ang mga dila sa takot.
P100 million ang reward money at balak pang dagdagan sa sinumang makahuhuli sa mga miyembro ng Abu Sayadf. Take note, P5 million kina Abu Sayad, este Abu Sabaya; Commander Susi este, Robot pala; Janjahika este, Janjalani. tig-P1 million sa mga sidekicks nito at tig-P10 ang mga utu-utong follower nila.
Hinahasa ng mga bounty hunter ang kanilang mga tinagong gulok na pupugot sa mga ulo ng Abu Sayad.
‘‘Mas maganda ang laban kung walang istoryang lalabas sa media? Anang mga kuwagong naghuhukay ng paglilibingan ng mga natodas na Abu Sayad.
‘‘Ang elite force ng US military ang tiyak kong sasagupa sa Abu Sayad,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘‘Teka mas maganda siguro kung ang mga PNP na rumatrat sa ‘‘Lozada case’’ ang dalhin sa kampo ng Abu Sayad para maganda ang upakan.’’ sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
‘‘Parang pelikula ang mangyayari,’’
‘‘Anong title?"
‘‘Mga gago versus Mamamatay Tao.’’
‘‘Okey iyan.’’
‘‘Tiyak kong dudumugin iyan."
‘‘Bakit?’’
‘‘Kasi puro hoodlum ang manonood.’’
‘‘Korek ka diyan kamote.’’
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am