Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mae Binauhan ng DZRH; Espiridion Agnote, Pastora Letty Salindong, Ayet Sinchongco, Don Emilio Labao, Emma Balsa at Mr. Loi Dino ng Equitable PCI Bank.
Alam nyo bang tumataginting na P10-milyon ang inialok ng isang lady politician sa isang vice governor upang huwag na siyang kumandidato?
Ayon sa aking bubuwit, dahil hindi manalu-nalo sa election ang isang lady politician, tinangka na lamang niyang bilhin ang kanyang kalaban ng limpak-limpak na salapi.
Nakailang beses na kasing tumakbo itong si lady politician subalit parating pinupulot sa kangkungan.
Dalawang buwan bago idaos ang election noong May 14, ay kinausap nitong talunang politician ang kanilang vice governor. May ambisyon din kasing maging governor ng lalawigan ang nasabing lady politician. Subalit ang gusto niyang mangyari ay dinadahan-dahan muna ang pag-upo sa Kapitolyo.
Kapag naging vice governor na siya ay madali na sa kanya ang maging governor.
Walanghiya rin naman ang ambisyon nito ano? Vice governor nga e hindi manalo, governor pa kaya?
Ayon sa aking bubuwit, mayaman ang pamilya ng naturang lady politician mula sa Southern Tagalog kaya gumagamit talaga siya ng pera. Pero, sa kabila ng ganitong alok sa vice governor, hindi ito bumigay. Hindi niya ipinagpalit ang kanyang kandidatura sa halagang P10-milyon.
Ang talunang lady politician na nag-alok ng malaking halaga upang umatras na lamang ang kanyang kalaban sa pagka-vice governor ay si Madam A.M. as in Aling Matalo.
At ang vice governor na inalok naman ng P10-milyon upang iatras ang kanyang kandidatura ay si Vice Governor D.F. as in Delta Force.