Kapalpakan sa party-list dapat ituwid ng Comelec
May 29, 2001 | 12:00am
Siguro naman ay naniniwala na kayo na maraming hindi mabuting naganap sa katatapos na election. Magdadalawang-linggo na matapos ang halalan ay hindi pa tapos ang bilangan. Ang dayaan ay hindi pa rin nahaharap at nabibigyan ng solusyon at ang failure of elections ay ideneklara sa ibang lugar.
Ano bang klaseng Commission of Elections mayroon tayo? Ilang buwan pa lamang bago naghalalan ay marami nang problema kaagad sa Comelec. Nagkaroon ng gulo sa registration. Ilang milyong tao kasama ang mga bagong boboto ang hindi nakapagpatala sa kadahilanang diumano ay hindi nalaman ng karamihan sa mga ito ang deadline ng registration. Anila, nagkulang daw ang Comelec sa kanilang information drive.
Naging malaking kaguluhan din ang computerization. Malamang na naging mabilis at nabawasan ang dayaan kung natuloy ang paggamit ng modernong teknolohiya. Ngunit ang pagtuturuan at pagsisihan ng mga Comelec officials ang namayani. Hanggang ngayon hindi pa rin humihinto ang labanan nina Comelec Chairman Alfredo Benipayo at Commissioner Luz Tancangco.
Subalit ang pinaka-palpak ay ang pagpayag ng Comelec na makilahok ang napakaraming party-list na hindi naman tumutugon sa talagang layunin ng batas. Karamihan sa kanila ay hindi marginalized sapagkat ang kanilang interes ay may malawak nang representasyon na katulad ng mga malalaking partido-pulitikal at mga mayayamang grupo. Anong laban sa mga ito ng mga mahihirap na sektor na katulad ng mga magsasaka, mangingisda o kahit na ng mga jeepney drivers? Ang mga ito ang tunay na marginalized party-list na dapat mabigyan ng mga kinatawan sa Kongreso.
Hindi pa huli para maituwid ang lahat. Dapat lamang na suportahan at sang-ayunan ng Comelec ang kahilingan ng mga mahihirap na party-list sector na hindi na isali sa bilangan ang mga hindi marginalized party-lists. Madaling mapatunayan ito. Umaasa ang mamamayan sa pagkilos ng Comelec na maitutuwid ang kanilang kamalian.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest