^

PSN Opinyon

Kamay ni SPO1 Jun Lim nakaposas laban sa 3 itlog

-
Doblado! ’Yan mga kababayan ang paboritong salita sa ngayon diyan sa eastern at southern Metro Manila ng mga tauhan nina Chief Supt. George Aliño at Sr. Supt. Sonny Gutierrez, mga hepe ng Eastern at Southern Police Districts. Ang problema lang mga suki, itong mga tauhan lang nina Aliño at Gutierrez ang masasaya at nakangisi dahil sa salitang doblado at ang naiiwang nakasimangot ay ang mga illegal gambling financiers at mga may-ari ng mga establisimiyentong may palabas na bold shows. At ang kinaiinisan pa ng mga gambling at beerhouse operators ay ang dalawang Charlie na nagsisilbing kolektor ng lingguhang intelihensiya ng dalawang distrito ng pulisya.

Mabagsik itong si Charlie ng EPD. Hamakin n’yo kung noong panahon ng administrasyon ni Erap ay P30,000 hanggang P40,000 ang lingguhang intelihensiya ng jueteng lord na si Cris dela Paz sa ngayon ay doblado na. Si Dela Paz, na nakabase sa Marikina City, ang hari sa ngayon ng jueteng sa eastern Metro Manila. Maliban kay De la Paz sa naturang siyudad din nag-ooperate itong sina Joel Guevarra at Eddie Texas. Si Guevarra ang nasa likod ng operasyon ng sakla-patay samantalang si Texas naman ay bookies ng jai alai. Sa Pasig City, nandiyan si Eddie Cruz samantalang sa Mandaluyong ay nariyan ang tatlong itlog na sina Buddy, Diday at Ely Kambingan.

Mukhang nakaposas ang mga kamay ni SPO1 Felipe-‘‘Jun’’ Lim Jr., alyas ‘‘Mr. Grocery’’ laban sa tatlong itlog. At bakit tahimik si Mayor Benhur Abalos laban kina Buddy, Diday at Ely Kambingan? Magkano ba Mayor? Tanong lang. Sa San Juan naman ay kasalukuyan pang nagsasara ng pag-uusap itong si Charlie kay Peping Suarez, ang kumpare ni Erap na sinuspetsahang may kinalaman sa nakaraang People Power 3 sa EDSA. Kung patuloy na nag-ooperate ang mga binanggit kong mga gambling lords sa EPD, ibig kong sabihin mga suki nagkasundo na sila ni Charlie, ang tumatayong bagman ni General Aliño.

Kung si Charlie sa EDP ay matulis at matalas, ganoon na rin ang kanyang kapangalan sa SPD. Halos magkapareho ang operasyon nilang doblado at walang pakialam si Charlie ng SPD kung wala ng matitira sa mga gambling lords at beerhouse operators. Pero kahit nagagasgas ni Charlie ang pangalan niya, walang pakialam si Gutierrez, na ayon sa aking espiya ay ‘‘bata’’ ni Mikey Arroyo, ang anak ni Presidente Arroyo na vice governor ngayon sa Pampanga.

At may pagyayabang pang sinasabi nitong si Charlie na kasunod na hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) itong si Gutierrez para matakot ang mga kinokolektahan niya. Ang tapang ng apog mo ‘Tol. Pero kung tutuusin kaya matapang magbilad ng pangalan itong magkapangalang Charlie dahil alam nilang malamya ang liderato ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza. Tsk! tsk! tsk! Saan patutungo ang PNP natin? Pakisagot mo nga Senior Supt. Ric Dapat Sir.

ARING

CHARLIE

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

ELY KAMBINGAN

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with