Mahirap lahat tayo
May 24, 2001 | 12:00am
Heto pa ang nakaiinis na economic statistics. Hindi nagkakalayo ang kalagayan ng 40 percent pinaka-mahihirap sa 60 percent pinaka-mayaman. ’Yung mga buntis na nabibigyan ng iodine at iron supplements, 55 percent sa mahihirap at 65 percent sa mayayaman. ’Yung may malinis na inumin at kubeta, 69 percent sa mahihirap at 89 percent sa mayayaman. ’Yung nakapapasok ang mga anak sa school, 82 percent sa mahihirap at 85 percent sa mayayaman.
Pero dito nagkakaiba: 47 percent lang ng pinakamahihirap ang may kuryente, kumpara sa 91 percent ng mayayaman. ’Yung may trabaho ang padre de pamilya, 58 percent lang ng mahihirap pero 72 percent ng mayayaman.
Ang pinakagrabe sa lahat, nakapagpapabahay ang gobyerno sa 3 percent lang ng mahihirap at 8 percent lang ng mayayaman.
Sabi ng iba, hindi naman daw kailangan ng mayayaman ang tulong-gobyerno sa pabahay. Can afford naman daw silang umutang sa banko o mag-ipon ng pampatayo ng mansiyon.
Pero hindi ’yon e. Nabanggit natin nu‘ng Martes na ang P204,000 na buwanang kita ng pinakamayaman ay katumbas lang ng $4,080, suweldo ng pinakamababang kawani sa California. Sa US, tinutulungan ng gobyerno na magkabahay ang mga kawaning ’yan.
Lumalabas na tatlong uri ng tao dito sa Pilipinas: mahirap, mas mahirap, pinakamahirap. ’Yung mayaman dito, mahirap lang sa US. Kaya kailangan ng tulong-gobyerno sa pabahay. Pero siyempre mas lalong kailangan ng tulong ng nasa ilalim, ’yung pinakamahihirap.
Diyan nahihilo ang gobyerno. Kasi ang mga pinuno na animo’y mayayaman, mahirap lang kumpara sa Amerika. Ramdam nila ’yon. Nakabibiyahe sila o naikukumpara ang kabuhayan dito sa mga kamag-anak sa abroad. Kaya inuuna nila ang sarili bago ang mas mahirap at pinakamahirap.
Kung mapasisigla ang ekonomiya at uunahing asikasuhin ang pinaka-mahirap, umunlad kaya ang kabuhayan ng lahat? Malamang.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended