Bolerong 'Nostradamus' nabokya sa hula kay Daboy
May 22, 2001 | 12:00am
Marami sa ating mga artista ang lumabas na talunan, pero kung tutuusin hindi sila dapat malungkot kundi magsaya sila dahil karamay nila ang mga psychic o manghuhula na pumalpak ang prediksiyon na mananalo sila sa nakalipas na election. Habang luhaan itong mga talunan nating artista, tahimik naman ang kampo ng mga psychic siguro para nga alamin kung bakit pumalpak na naman ang bolang kristal nila. Kasi nga kung mag-iingay sila sa ngayon lalong maluluklok sa kaisipan ng sambayanan ang kanilang kapalpakan.
Bago mag-election maraming psychic ang nag-predict kung sinu-sino sa ating mga artista ang mananalo sa kani-kanilang tinakbuhang bayan o siyudad at sa tingin ko wala isa man sa kanila ang tumama ang hula. Bokya sila sa ngayon. He-he-he! Baka tuluyan na silang manahimik niyan. At isa sa mga mapusok at masipag mag-predict noon ay itong tumatawag sa kanyang sarili na ‘‘Nostradamus ng Asia.’’ Kaliwa’t kanan ang interbyu sa TV, radio at pahayagan nitong huwad na ‘‘Nostradamus’’ kung sinu-sino ang mananalo sa hanay ng ating mga artista.
Isa sa mga prediksiyon ng bolerong ‘‘Nostradamus’’ ay ang paglampaso ng aktor na si Rudy Fernandez kay House Speaker Feliciano "Sonny’’ Belmonte sa pagka-mayor sa Quezon City. Pero ang kinalabasan, milya-milya ang agwat ng boto ni Belmonte kay Fernandez. Paki-esplika mo nga ito huwad na ‘‘Nostradamus."
Ang orihinal kasing Nostradamus, mga kababayan, ay yaong naghula ng kung anu-anong mga malalaking pangyayari sa ating daigdig. Marami ang gustong tularan itong orihinal na Nostradamus subalit hindi nakayanan dahil panay palpak ang mga lumalabas na hula nila. At hindi lang kay Belmonte sumemplang itong mga huwad na psychic. Ano ba iyan?
Kaya naman humahaba ang hanay ng mga huwad na psychic ay dahil na rin sa ating mga kapwa Pilipino na mahilig magbakasakali at gustong malaman kaagad kung ano nga ang future nila. Diyan kumikita ng malaki itong mga feeling Nostradamus. Di ba mga suki? Hindi naman kaila sa atin na marami sa hanay ng ating psychic ang umangat ang pamumuhay, pati ang kani-kanilang pamilya, mula ng pasukin nila ang trabahong ito. Pero wala namang ilegal sa kanilang mga trabaho, di ba mga suki?
Baka naman nahulaan nitong mga psychic ang labas sa lotto, jai alai, sweepstakes at kung ano pang uri ng sugal kaya’t sila biglang yumaman, di ba posibleng mangyari ito? Panay ang tama o kabig nila pero tumatahimik lamang sa pangambang hingan sila ng balato ng kanilang kakilala. Kung sabagay, maaring itong mga hula ng mga psychic ay nagamit din ng mga artista sa pulitika dahil nga sa tinatawag nating trending. Kaya lang kung malakas ang kalaban tulad ni Belmonte na gustong manungkulan talaga sa bayan tiyak 10 balintong ang aabutin nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am