Masasabi na ang pagkapanalo ng isang kandidato ay nakasalalay sa kanyang mga pollwatchers na nagbabantay sa mga balota. Mula araw ng election, ilang mga pollwatchers na ang inatasan na bantayan ang proseso at gawain ng Board of Election Inspectors at siguraduhing ang lahat ng bumubuto ay residente sa kanilang mga lugar. Sila rin ang nagsisilbing tagabantay ng mga binabasa ng Chairman kung ito nga ang nakasaad sa balota. Pati na rin ang pag-tally ng mga boto ng kanilang kandidato. Pagod at puyat ang kanilang nararanasan hanggang matapos ang bilangan.
Sa canvassing naman, ibang grupo ang kinukuhang pollwatchers at kalimitan sa mga ito ay may alam sa batas. Sila ang tumitingin kung tunay nga ang mga Election Returns na binabasa at kung sinusulat ang mga nakasaad na numero sa Election returns. Kahanga-hanga ang kanilang pagtitiyaga sa pagbabantay ng mga boto ng kanilang kandidato.