^

PSN Opinyon

Mahirap ang papel ng mga poll watchers

-
Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pollwatchers kung election. Sila ang nagbabantay kung nagkakaroon na ng dayaan. Kinukuha ng mga kandidato ang kanilang pollwatchers sa mga residenteng sumusuporta sa kanilang kandidatura. Karamihan ay mga abogado ang nagtuturo sa kanila ukol sa mga probisyon ng Omnibus Election Code, kasama na rito ang kanilang mga karapatan at mga mahahalagang tungkulin. Tinuturuan sila ng mga estratehiya kung paano malalaman na nandadaya na pala ang mga kalaban.

Masasabi na ang pagkapanalo ng isang kandidato ay nakasalalay sa kanyang mga pollwatchers na nagbabantay sa mga balota. Mula araw ng election, ilang mga pollwatchers na ang inatasan na bantayan ang proseso at gawain ng Board of Election Inspectors at siguraduhing ang lahat ng bumubuto ay residente sa kanilang mga lugar. Sila rin ang nagsisilbing tagabantay ng mga binabasa ng Chairman kung ito nga ang nakasaad sa balota. Pati na rin ang pag-tally ng mga boto ng kanilang kandidato. Pagod at puyat ang kanilang nararanasan hanggang matapos ang bilangan.

Sa canvassing naman, ibang grupo ang kinukuhang pollwatchers at kalimitan sa mga ito ay may alam sa batas. Sila ang tumitingin kung tunay nga ang mga Election Returns na binabasa at kung sinusulat ang mga nakasaad na numero sa Election returns. Kahanga-hanga ang kanilang pagtitiyaga sa pagbabantay ng mga boto ng kanilang kandidato.

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

ELECTION

ELECTION RETURNS

KAHANGA

KANILANG

KARAMIHAN

KINUKUHA

OMNIBUS ELECTION CODE

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with