^

PSN Opinyon

ORA MISMO - Mga kuwago di-sumablay sa forecast

- Butch M. Quejada -
Nagmistulang hilong talilong ang kampo ni dating Oriental MIndoro Governor Rodolfo Valencia nang pakainin ito ng alikabok ni Bart Marasigan. Si Marasigan ang nanalong governor ng nasabing probinsiya matapos nitong ilampaso ang asawa ni Rudy na si Chalie?

Pitumpo hanggang 30 porsiyento ang prediksiyon ng mga kuwago ng ORA MISMO ang magiging lamang ni Bart kay Chalie at hindi nga nagkabisote ang forecast.

Natuto na rin ang mga mamamayan ng Oriental Mindoro at inaasahang gaganda ang nasabing probinsiya.

Ipinangako ni Bart na magiging progresibo at uunlad ang Oriental Mindoro sa kanyang pamamahala.

Tiwala ng mamamayan ang ibinigay nilang last minute vote kay Bart kontra pera pero hindi pa rin nanaig sa mga botante ang kaunting barya.

Para sa iyo Bro, mabuhay ka!

‘‘Nagsawa ang tao sa mga pangakong napako kaya hayun nilampaso ng isang mahirap na tao,’’ angil na sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.

‘‘Dehado si Bart sa pera pero llamado sa boto ng tao," natutuwang sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Tinanggap daw ang pitsa ng kamoteng nagbigay pero hindi sila binoto,’’ sabi ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Mautak na kasi ang mga taga-Mindoro kaya kahit may pitsa ay nilaglag sila,’’ sabi ng kuwagong US Navy ng Hapon.

‘‘Ano ngayon ang aral na ipinahiwatig ng bilihan ng boto?’’ tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Eh di tanggap lang nang tanggap tapos ipasok sa bulsa.’’

‘‘Tapos?’’

‘‘Huwag mong iboto.’’

‘‘Korek ka diyan kamote.’’

ARING

BART MARASIGAN

CHALIE

GOVERNOR RODOLFO VALENCIA

KOTONG COP

ORIENTAL MINDORO

SI MARASIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with