^

PSN Opinyon

2 opisyal ng banko nahuling nagdu-'do' sa sofa

-
Alam n’yo bang nahuli sa akto ang dalawang opisyal ng sikat na banko habang nagla-love-making sa loob ng kanilang opisina?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Jess Garcia ng DZRH News Center, Edwin Montilla at Berna Serranillo ng Manila Broadcasting Company.

Congratulations naman sa mga nanalong senador, congressmen at mga local officials.

Sana naman ay makipag-reconcile kayo kaagad sa mga tinalo ninyong pulitiko.
* * *
Alam n’yo bang merong illicit love affair ang dalawang mataas na opisyal ng isang sikat at kontrobersiyal na banko?

Ayon sa aking bubuwit, talagang super kontrobersiyal ang kanilang love affair sapagkat sila ay pareho nang may asawa. At ang pinaka-eskandaloso rito Central Bank Gov. Tiyo Paeng Buenaventura, ay ang pagkakahuli sa dalawa habang nagla-love-making.

Alam n’yo bang nahuli ang dalawang bank official na nagla-love-making sa sofa. Ang nakahuli ay ang janitor.

At take note mga pare kong bankero, mas aggressive pala ang lady bank officer kesa kay lover boy. Si Lady banker pala ang kumukubabaw.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa kasabikan ng dalawang bank official, nakalimutan nilang i-locked ang pintuan. Ayun nahuli tuloy sila sa compromising position ng janitor.

Pambihira naman kayo, Sir, Madam, bakit naman hindi kayo nag-motel. Siguro nabasa nila yung balita sa London. Meron kasing survey sa London na maraming empleyado at opisyal ng mga kompanya ang nagla-love-making sa loob ng opisina after office hours. Kasi mas exciting daw don, he-he-he!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang opisyal ng kontrobersiyal na banko na nahuling nagla-love-making ay sina...

Sir, Madam, puwede ba, sa susunod ay umuwi na lang kayo sa bahay ng maaga. Kawawa naman ang inyong mga anak at mga asawa.

Ang dalawang opisyal ng banko na merong illicit love affair ay sina...

Ito ’yung banko na pinagdeposituhan ng bilyong piso ni "Jose Velarde".

Kilala mo sila Mr. George "Tulis" Go.

Sila ay mga opisyal ng Equitable PCIBank. Sila ay nag-oopisina sa Equitable PCIBank Tower I sa kahabaan ng Makati Ave., Makati City.

Ito ay sina Mr. B. as in Banker at Mrs. J. as in Juanita.

vuukle comment

ALAM

AYON

BERNA SERRANILLO

CENTER

CENTRAL BANK GOV

EDWIN MONTILLA

LOVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with