SPO1 Felipe Lim parang bakla sa kadadakdak
May 16, 2001 | 12:00am
Nagngingitngit sa galit na nagbabanta si SPO1 Felipe Jun Lim, hepe ng private army ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, na hahagupitin niya pagkatapos ng election ang mga taong nasa likod ng pagbulgar ko sa mga illegal niya. May suspetsa kasi si Lim na ang mga taong pumapasa ng impormasyon sa akin ukol sa mga masamang gawain ng mga private army ni Mayor Abalos nga ay ang mga ilegalista diyan sa kanilang lugar. He-he-he! Ang kitid din pala ng utak mo, Sir?
Sa tingin ko naman, hindi na dapat magbanta itong si Lim dahil kasama sa sinumpaang trabaho niya ang linisin ang Mandaluyong ng lahat ng illegal. Dapat gawin na niya ang trabaho niya at huwag siyang dakdak nang dakdak kasi nagmumukha siyang parang bakla, di ba mga suki? Paano naman paniniwalaan ng mga residente si Lim eh alam nila na namimili rin ito ng katataluhin? Kahit ilegalista ka man subalit may padrino ka o dili kayay may pasimpleng lagay ka kay Lim ay hindi ka rin niya huhulihin.
Ang magandang ehemplo ko rito ay ang patuloy na operasyon ng ilegal na pasugalan sa Mandaluyong nina Ely Kambingan, Diday at Buddy. Si Buddy ang pinakamalaking kubrador sa siyudad ng gambling lord na si Val Adriano, ang tinaguriang Metro Manila jai alai bookies king. Di ba ilang beses ko ng hinamon itong si Lim na patulan niya itong sina Ely Kambingan, Diday at Buddy. May nangyari ba mga suki? Wala! Kayat walang saysay itong mga pagbabanta ni Lim dahil sa mga rason nga na binanggit ko.
Sana manalong muli itong si Mayor Abalos para nga ang mga nakaligtaang trabaho ni Lim bago mag-election ay magampanan na niya ngayon. Pero siguruhin mo lang Tol na babanggain mo silang lahat at wala kang kinikilingan. Masyadong malakas sa pamilyang Abalos itong si Lim. Sinabi ng aking espiya na kahit mga opisyales pa ng pulisya sa Mandaluyong ay iniiwasang makabanggaan siya. Kakutsaba niya sa kanyang operasyon ang isang doktor na malapit sa pamilya Abalos. Ibubulgar ko si Doc sa darating na panahon.
Pero kung hindi rerendahan ni Mayor Abalos itong si Lim, sa tingin ko isa siya sa magiging problema niya pag nagkataon. Kasi nga tuwing pupunahin itong si Lim sa harabas-style niyang pagtugis sa mga sugal-lupa ng mga mahihirap, sigurado akong masasabit ang pangalan ng butihing mayor. May go-signal kaya ni Mayor Abalos itong pinaggagawa ni Lim? Bahala na ang aking mga suki sa pagsagot ng tanong na yan.
Hindi na kailangan ni Mayor Abalos ang isang Lim. Dahil sa tingin ko magiging abala siya sa pagdepensa sa kanyang sarili sa mga darating na araw dahil sa samut saring kaso na ang isinampa ng kanyang karibal na si dating Vice Mayor Ernesto Bibot Domingo. Hahamunin ko muli si Lim na linisin niya ang Mandaluyong sa ilegal na sugal. At magpapatuloy ako sa pagsisiwalat ng mga hindi magandang ginagawa niya kahit abot langit pa ang kanyang pagbabanta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended