Belmonte: Basura ko, linis ko
May 16, 2001 | 12:00am
Pangungunahan ni Sonny Belmonte ang "Serbisyong Bayan" sa pamamagitan ng pagtanggal at paglinis ng mga electoral materials na ikinabit ng kanyang mga kaalyado noong kasagsagan ng kampanya para sa Quezon City mayoralty race.
Si SB, ang nahalal na bagong QC Mayor matapos nitong pakainin ng alikabok ang kanyang dalawang kalaban.
Layunin ni SB na maging malinis ang buong kapaligiran ng kanyang nasasakupan. Pag-iibayuhin ni Belmonte ang "Serbisyong Bayan" na binitiwan nitong pangako sa kanyang mga constituents. Edukasyon, medisina, basura, imprastruktura, pabahay at trabaho ang mga prayoridad nito.
Nanawagan si Belmonte sa kanyang mga kalaban sa pulitika na kalimutan na nila ang nakaraan at magsama-sama sa ikabubuti ng Quezon City.
"Kailan ba uupo sa bagong trono si House Speaker Belmonte?" tanong ng kuwagong Marines.
"Tiyak sa July 1 siya na ang bagong ama ng QC," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Baka mahirap kausap si Belmonte kasi tapos na ang eleksyon?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Iba si ‘SB’!" sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Basta ang mamamayan ng QC ang makikinabang siguradong YES ang sagot."
"Pero kung katarantaduhan ang pag-uusapan, tiyak ko may paglalagyan ka!"
"Saan?"
"Sa kulungan!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest