^

PSN Opinyon

Kagustuhan ng mamamayan

-
Ang kaso ngayon ay tungkol sa mayor ng isang bayan sa Visaya. Sinampahan siya ng demanda dahil umano sa mga katiwalian at maling paggugol ng pondo ng bayan sa paggawa at pag-aspalto ng kalsada na pag-aaring pribado. Sa umpisa, dinismis ng pamahalaang probinsiyal ang kaso. Subalit napilitan ang governor na muling dinggin ang kaso dahil may utos sa itaas. Matapos ang muling pagsisiyasat, muling napawalang-bisa ang mayor. Ngunit pagdating sa Tanggapan ng Presidente, ang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ay binale-wala at sinuspinde ang mayor ng isang buwan.

Dahil dito, nagsampa ang mayor ng kaso sa Korte Suprema. Ayon sa kanya, walang kapangyarihan ang Presidente na bale-walain ang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan. Habang ang kaso ay nakabinbin sa Korte Suprema, natapos na ang termino ng mayor at siya’y muling nahalal. Dapat pa bang resolbahin ng Korte Suprema ang petisyon?

Hindi na.
Kapag ang isang nanunungkulang opisyal ay muling nanalo sa election, wala na siyang pananagutan sa anumang pagkakasalang administratibo na nagawa niya bago siya nahalal muli ay dahil sa muling pagkakahalal sa kanya ay katunayan nang muling pagbibigay ng tiwala ng mga tao. Hindi maaaring tanggalin ng Korte ang muling inihalal na opisyal para sa mga dating kamalian at katiwaliang administratibo na kanyang nagawa. Kapag ang isang opisyal ay muling inihalal o re-elected, ito’y patunay lamang na napatawad na nang mamamayan ang kanyang kamalian, kung mayroon man. Dapat lang na sundin at igalang ang kagustuhan ng mga nagbalik sa kanya sa puwesto (Lizares vs. Hechanova, et. al., 17 SCRA 58).

AYON

DAHIL

DAPAT

KAPAG

KORTE SUPREMA

MULING

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with