^

PSN Opinyon

Binabato ang Puno

-
Inalis na ni GMA ang kontrobersiyal na state of rebellion. Pero dapat ituloy ang pag-usig sa mga taong sinasabing nasa likod ng madugong ‘‘pro-Erap’’ rally kamakailan.

Mga halal na opisyal pa mandin ang marami sa kanila. Pinagkatiwalaan ng taumbayan lalo na ng mga mahihirap na bumoto sa kanila. Tapos gagamitin ang mga mahihirap na ito sa kanilang selfish interest na umagaw ng estado poder.

Bukod kina Enrile, Honasan, Maceda at iba pa, may iba pang mga elected officials na idinadawit sa rebellion. Isa na rito si Cavite Congressman Ayong Malicsi na ayon sa NBI ay dapat siyasatin dahil nagpadala ng mga Caviteño sa EDSA sa kainitan ng tinatawag nilang People Power III lulan ng Magic Touch bus.

Naririyan pa rin ang ilang lokal na opisyal gaya nina MMDA Chair Jejomar Binay, Rep. Baby Asistio, Malabon Mayor Boy Vicencio at Pasay Mayor Peewee Trinidad. Hindi natin inaakusahan ang mga taong ito. Pero kung may batayan ang ipinaparatang sa kanila, dapat silang siyasatin, usigin at ipagsakdal. Hindi rin natin sila tinutuligsa sa pagkampi kay Estrada dahil karapatan nilang pumili ng papanigan. Ang kinokondena natin ay paggamit ng karahasan kung tunay mang sangkot sila sa nangyaring riot.

Ngunit hindi lahat ng nasa kampo ni Estrada ay may marahas na takbo ng isip. Isa na riyan ang kaibigan kong si Dong Puno na tumatakbo para sa Senado. Marami ang bumabatikos sa kanya, lalo na ang mga kalaban niya sa politika porke pumanig siya kay Estrada.

Panahon pa ni Marcos ay nagkikita na kami ni Dong sa Malacañang. Isa na siyang batambatang abogado noon na anak ni Justice Minister Ricardo Puno, Sr. Sumulat din siya ng kolum na Point of View sa ating sister paper na Philippine Star.

Kahit nasa partido siya ng Puwersa ng Masa, hindi kinaringgan ng pang-uudyok si Dong sa mga rallyists na sugurin ang Palasyo gaya nina Enrile. Katunayan, kahinahunan ang ipinangangaral ni Dong sa mga rallyists. Pati mga kasamahan niyang kandidato ng Puwersa ay hinihikayat niyang isaisantabi ang dahas ngunit naganap pa rin ang malagim na rebelyon sa pamumuno ng mga ambisyosong politiko.

Pero bakit binibira si Puno dahil sa kanyang affiliation sa partido ni Erap? Obviously, nakikita ng kanyang mga katunggali ang potensiyal ng taong ito kaya ngayon pa lang ay niyuyurakan na siya. Wika nga ng kasabihan, kung ang puno’y mabunga, ito’y binabato.

Don’t worry Dong. Sabi nga sa Bibliya’’ ‘‘Blessed are the peacemakers.’’

BABY ASISTIO

CAVITE CONGRESSMAN AYONG MALICSI

CHAIR JEJOMAR BINAY

DONG PUNO

ENRILE

ERAP

ISA

JUSTICE MINISTER RICARDO PUNO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with