^

PSN Opinyon

Nasa lansangan na naman ang mga gutom na 'buwaya'

-
Naglilipana na naman ang mga ‘‘buwaya’’ sa lansangan at ang nakalulungkot nito ay mukhang gutom na gutom sila na para bang 10 taon na hindi nakatikim ng pagkain. At sa ngayon, kahit pulang-pula na ang kanilang hasang sa kabusugan, ngasab pa rin sila nang ngasab para nga mapunuan ang hindi nila pagkain ng masasarap noong hinigpitan pa sila ng sinturon at ipinatatapon sa probinsiya dahil nga sa paglalamang sa kapwa. ‘Ika nga kung ang mga ‘‘buwaya’’ noon ay kuntento na sa kapiranggot, ngayon gusto nila lahat ng bulsa nila ay mapuno. May kaugnayan kaya rito ang nalalapit na May 14 elections?

Ang tinutukoy ko rito mga kababayan ay hindi mga buwayang gumagapang kundi naglalakad at karamihan nagpapakilalang mga miyembro sila ng ating Philippine National Police (PNP). Opo, sila po ang mga tinaguriang kolektor ng lingguhang intelihensiya ng kanilang mga amo na sabik makapuwesto hindi para magtrabaho kundi para ilublob ang kanilang mga kamay sa bulsa ng mga gambling lords at mga ilegalista sa kanilang sakop. Walang kahirap-hirap no?

At ang pinipintasan ngayon ay itong liderato ni PNP chief Director General Leandro Mendoza sa walang magawa kahit abot langit ang sigaw niya na itutuloy niya ang ‘‘no take policy’’ na umiiral sa PNP noon. Kaya naman hindi ma-monitor ni Mendoza itong illegal na aktibidades ng mga ‘‘buwaya’’ dahil busy siya sa pagsagot ng tawag ng mga nasa Malacañang at pulitiko na humihingi ng pabor na ipuwesto ang kani-kanilang mga inaalagaang junior officers. Ano ba ’yan?

Kung hindi pa nakarating sa iyo ang illegal na gawain ng mga ‘‘buwayang’’ ito General Mendoza, ang pitak na ito ay tutulong para ibulgar sila at ng magawan mo ng paraan o aksiyon para sila tumino na parang tupa. Handa ka na ba, Sir?

Sa hanay ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang mabangong pangalan ay si Jojo Palma. Binabanggit niya ang pangalan ng dating mong ‘‘bagman’’ na si Supt. Ric Dapat ng National Capital Region (NCR). Di ba may kasong murder itong si Palma? Bakit siya nakabalik sa serbisyo?

Kung sa probinsiya naman, ang gamit ng CIDG ay si Boy T, isang sibilyan. Ipinagyayabang ni Boy T na napupunta sa election ang kanyang koleksiyon, totoo ba ito Madam President Gloria Macapagal-Arroyo? Sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) naman, ginagasgas ni Paeng Palma ang pangalan ni Supt. Cipriano Querol, hepe ng intelligence. Ang diga ni Palma ay P50,000 kada linggo sa mga ilegalista at ang paborito niyang kataga, ayon sa aking espiya ay ‘‘take it or leave it.’’

Sa EPD ang umiikot ay si alyas Charlie, si Raul at mga bataan niyang sina Danny Sarmiento at Tepang sa CPD, si Laurel sa WPD, si Catalan sa SPD at si Ganzon naman sa NPD, anang aking espiya. Papayag kaya si Mendoza na mamamayagpag itong mga ‘‘buwaya’’ sa kanyang administrasyon? Kikilos kaya siya laban sa mga ito? Abangan.

BOY T

CIPRIANO QUEROL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANNY SARMIENTO

DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

GENERAL MENDOZA

JOJO PALMA

MADAM PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with