^

PSN Opinyon

Pangangailangan sa abogado

-
Sa ating kasalukuyang Konstitusyon ay may mga pantaong karapatan ang akusado na huwag magbigay ng anumang impormasyon kung walang nakaharap na abogado na kanyang pinili. Ang abogado ay maaari ring ipagkaloob ng hukuman sakaling hindi kaya ng akusadong kumuha ng sarili niya.

Si Tom ay isang mangmang na napagbintangang pumatay ng isang dating kapitan sa kanilang barangay. Nang siya’y maaresto, pinapirmahan sa kanya ang isang sinumpaang salaysay na umaamin sa pagkakasala. Bagamat sinabi ng mga imbestigador na may karapatan siyang kumuha ng isang abogado, siya ay hindi nagkaroon ng representasyon nito. Sa paglilitis, hindi niya inamin na siya ay may sala subali’t siya ay na-sentensiyahan pa rin dahil sa kanyang sinumpaang salaysay. Tama ba ang mababang hukuman?

Mali ang desisyon ng mababang hukuman sa kasong ito. Nang gumawa ng sinumpaang salaysay si Tom ay wala itong abogado. Samakatuwid ito ay hindi matatanggap na ebidensiya laban sa kanya.

Kahit na hindi ginamitan ng anumang pananakot o pagbabanta si Tom sa pagpirma ng salaysay ay hindi pa rin ito matatanggap dahil nga walang abogadong tumulong sa kanya. Bagama’t maaaring ipa-isantabi ang karapatang magkaroon ng abogado, nararapat na ito ay gawing boluntaryo na sapat ang kanyang kakayahan at pag-iisip. Isa pa, kailangang may kaharap na abogado ng talikdan niya ang karapatang ito. Upang ganap na maintindihan ng nasasakdal ang kanyang mga karapatan at ang magiging resulta ng kanyang mga ginawa, nararapat din ang representasyon ng abogado. Samakatuwid, hindi naibigay kay Tomas ang karapatang iginagawad ng ating Konstitusyon sa bawat nilalang. (People vs. Decierdo, 149 SCRA 496).
* * *
Huwag po ninyong kalimutang iboto ang AIM (Ang Ipaglaban Mo) Party para sa Party-list Representative sa darating na election. Para sa iba pang impormasyon, tumawag lamang sa tel. nos. 724-9445; 725-2930 o 721-2305.

ABOGADO

ANG IPAGLABAN MO

BAGAMA

BAGAMAT

DECIERDO

KONSTITUSYON

NANG

SAMAKATUWID

SI TOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with