^

PSN Opinyon

GMA: Small but 'terrific'!

-
Maganda ang ginawang pagdalaw ni President Gloria Macapagal-Arroyo kay dating President Erap sa kulungan nito sa Santa Rosa, Laguna. Ito’y nakapagpahupa ng nagpupuyos na damdamin ng mga sumusuporta sa dating Presidente kasama na ang mga miyembro ng pamilya nito.

Hindi rin nalingid sa madla ang kasiyahan ng dating Presidente sa pagdalaw ni GMA. Dahil dito, natawag pa nga ni Erap si GMA ng ‘‘Mahal na Pangulo’’. Pinagbigyan ni GMA ang ilang kahilingan ni Erap katulad ng mahaba-habang oras sa pagbisita ng kanyang pamilya at paglalagay ng kurtina sa kuwarto.

Maraming kabutihan ang naidulot ng pagbisita ni GMA kay Erap at isa rito ay ang para sa kapayapaan ng bansa. Naipakita na may demokrasyang nananaig sa Pilipinas kahit na sa mga taong nakagagawa ng pagkakasala sa taumbayan.

Naipakilala ni GMA ang kanyang katatagan, tapang at katalinuhan kahit na sabihin pang siya ay isang babae na malumanay ang pagsasalita. ‘‘Terrific’’ pala ang gustong sabihin ng ‘‘small but terrible."

Marami ang umaasa at nagdarasal na maipagpatuloy ni GMA ang pagtalakay sa marami pang mga suliranin na kinahaharap ng ating pamahalaan hindi lamang ang mga bagay-pampulitikal na dulot ng nakaraang rebelyon kundi ang tungkol sa ekonomiya at iba pang bagay-pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sana nga ay umangat na ang mga Pinoy sa mabuti at makatarungang pamamaraan.

vuukle comment

DAHIL

ERAP

GMA

MACABUHAY

MAGANDA

PRESIDENT ERAP

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SANTA ROSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with