2 batang nasagasaan tinakasan; Bgy.Chairman sa Makati maraming bahay
May 7, 2001 | 12:00am
Matindi pa sa ginawa ng mga pro-Erap protesters sa Mendiola ang ginawang pag-hit and run ng isang may-ari ng sasakyan laban sa dalawang batang lalaki kamakalawa ng gabi sa pagitan ng Queensrow at Gardenia Valley Subd., Brgy. Molino 4, Bacoor Cavite.
Kahabag-habag ang nangyari sa dalawang biktimang sina Alvin Mora, 10-anyos ng Block 2, Lot 11 Area S Queensrow at Diamond Torres, 9-anyos. Natanggal ang kaliwang tenga at bali ang buto sa braso dahil nakaladkad ng ilang metro ng isang van na humaharurot sa masikip na kalsada ng nabanggit na lugar.
Dahil sa hindi tinigilan ng suspek, hinabol ito ng isang naka-scooter na lalaki at isang kotseng kulay maroon ngunit hindi inabutan sa kahabaan ng Molino Road. Bigla itong naglaho na parang bula.
Mabuti na lamang ay may good samaritan at naisugod sa Molino Doctors Hospital ang dalawang biktima. Saludo ang OK KA BATA! sa sinumang nagdala sa mga biktima sa nabanggit na ospital.
Pero lingid sa hinayupak na driver na pinaniniwalaang sabog sa droga, nakuha ng mga saksi ang plate number ng sasakyang nakasagasa. Ito ay UHV-338 na kulay blue.
Kaya ang ginawa ng OK KA BATA! ay bineripika sa Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City at lumalabas na ang may-ari ng sasakyan ay naka-pangalan sa isang Cervando Arceo ng 105 Anahaw St., Project 7, Quezon City.
Hoy! kung sino ka mang hinayupak at damuhong driver, makonsensya ka naman. Bahala na sa ‘yo si Almighty Shalom.
Para sa mga kagawad ng pulisya ng Bacoor na nakatalaga sa Traffic division wala kayong kamalay-malay na may dayuhang adik na driver mula sa Quezon City, siguro naman alam na ninyo ang gagawin sa driver. Pinangungunahan ko na kayo mga panyerong pulis Bacoor na nakatalaga sa traffic division, baka mauwi sa "cash-sunduan blues" itong kaso ng dalawang bata laban sa driver.
Baka naman mag-alibi ang may-ari ng van na kinarnap o kaya hiniram lang sa kanya ang sasakyan. Lumang estilo na ‘yan mga ‘pre.
Ang tapang ng apog mo pre kapag hindi mo pinanagutan ang ginawa mong krimen sa dalawang batang biktima.
Paki-eksplika nga Barangay Chairman Donald Lopez ang akusasyon sa inyo ng mga residente sa Bgy. Olympia, Makati City na dumagsa raw ang drug pushers at adik na kabataan sa nasasakupan mong lugar.
Sa loob lamang daw ng isang taong panunungkulan n’yo bilang opisyal ng barangay, biglang dumami ang inyong ari-arian na kinabibilangan ng truck na may mga plakang UGY-942; NFL-594; Lancer na kulay puti na may plakang UHP-244, Mazda (WBZ-454).
HIndi ko sinasabing protektor kayo ng drug pushers sa inyong lugar partikular na ang biglaan n’yong "pagyaman" na galing lahat sa katas ng droga pero naghihinala na sa inyo ang karamihan ng residente.
Kung sa mabait, kayo raw ang pinakamabait na naging opisyal ng naturang barangay pero paki-eksplika nga raw sa taumbayan ang tatlo ninyong malalaking bahay na matatagpuan sa 5043 Banahaw St., Bgy. Olympia, Makati City; 2028 Samat St. at 2030 Samat St. na pawang nasa naturang barangay.
Ang masakit pa nito, inakusahan pa kayo ng sumulat sa OK KA BATA! na ginagamit daw ninyong personal service ang sasakyang pang-gobyerno na may plakang SFG-378 (Adventure).
Hihintayin ng OK KA BATA ang inyong paliwanag, Chairman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended