Rep. Ducut nagpadala ng 4 na bus sa 'EDSA 3'?
May 7, 2001 | 12:00am
Dapat lang sigurong suportahan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) itong kandidatura ni dating Rep. Emy Lingad sa 2nd district ng Pampanga para parusahan itong si incumbent Rep. Zeny Ducut, ang chairwoman ng National People’s Coalition (NPC), na nagtaksil sa kanya. Kasi, kapag nanalong muli si Ducut walang kasiguruhan itong si GMA na hindi niya uulitin ang ginawa niya noong ‘‘EDSA People Power 3’’ kung saan nagpadala siya ng apat na bus na supporters para isigaw na gusto nilang paupuing muli si Erap.
Sobra-sobra siguro ang tulong na ginawa ni Erap sa Pampanga noong panahon niya kaya’t abot-langit ang pagsamba ni Ducut sa kanya. Dapat imbestigahan din ni GMA na itong si Ducut, na ayon sa aking espiya, ay nakipagkita kay Sen. Juan Ponce Enrile sa Basa Air Base ilang araw bago maganap ang ‘‘EDSA 3.’’ Nakipag-usap din umano ito kay dating Ambassador Ernesto Maceda sa Guagua at Sen. Gringo Honasan sa 2nd district. Saan ang tinatawag na loyalty dito? Mukhang napaglalangan din ni Ducut itong si Pampanga Governor Lito Lapid ng Lakas-NUCD. Dahil sa coalition ng Lakas-NUCD at NPC ni Ducut, nagkagulo ang lokal na pulitika at napabayaan nga ang nagdadala ng People’s Power Coalition (PPC) ni GMA. Ang ibig kong sabihin, ang Lakas-NUCD ang nagsaing ang taga-NPC naman ang kumain, di ba mga suki?
Itong pamilya pala ni Lingad ay masyadong malapit sa pamilya ni GMA. Ang ama ni Lingad at ang dating presidente na si Diosdado Macapagal na ama naman ni GMA ay nagkaroon ng halos ng ‘‘blood compact’’ na balewalain nila ang kanilang kayamanan at political fate para ipagtanggol ang isa’t isa. Pero sa ngayon, hindi alam ni Lingad kung paano niya makakausap at humingi ng tulong kay GMA. Sa tingin kasi ni Lingad, hindi alam ni GMA itong turn of events sa local politics sa Pampanga. Siyempre, may konting hinanakit din si Lingad sa anak ni GMA na si Mickey dahil minabuti pa nitong dalhin ang NPC ni Ducut keysa taga-Lakas-NUCD.
Sabagay, ang mga bata sa ngayon halos hindi na marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan, di ba mga suki? Hindi pa kaya namulat si Mickey, ang running mate ni Lapid sa ginawa ni Ducut sa ‘‘EDSA 3?’’ Si Lapid kaya, nagtulug-tulogan pa rin? May isang linggo pa halos para imulat nina Lapid at Mickey ang kanilang mga kaisipan para hadlangan nga kung ano man itong maitim na binabalak ng NPC ni Ducut laban kay GMA. Manood kayo Gov. Lapid at Mickey ng footages sa EDSA rally at presto mapapatunayan n’yo na may ‘‘grand plan’’ talaga ang NPC para iluklok nilang muli si Erap sa dati nitong trono.
Sa mga taga-2nd district naman ng Pampanga, sino ang mas mahal ninyo, si GMA o si Ducut. Pero sa tingin ko kung sino ang i-endorso ni GMA ang siyang iboboto n’yo di ba? Kung sabagay, nasa kamay ni GMA ang kapalaran sa pulitika nina Ducut at Lingad, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended