^

PSN Opinyon

Kahit nasa Bilibid ay nakapagre-recruit pa

-
Isang impormasyon ang nakalap ng column na ito sa isang concerned citizen na ipinadala sa ating e-mail address ([email protected]) hinggil sa matagal nang modus operandi ng sindikato ng illegal recruiter na pinamumunuan umano ng isang preso sa New Bilibid Prison (NBP). Ang illegal recruiter umano ay si Ivan Lysol Acedillo na may hatol na double life sa kasong illegal recruitment.

Hinatulan siya ng Bacolod City Regional Trial Court Branch 53 sa kasong illegal recruitment at naipasok sa NBP noong January 25, 2000.

Kahit daw nakakulong si Acedillo sa Maximum Security Cell 3-A ay malayang nakapagre-recruit ng mga kababaihang promdi patungong Brunei at ang kasabwat ay isang nagngangalang Corazon Ventura ng Falcon Ville, Bgy. Parian. Calamba, Laguna.

Ayon sa impormasyon, si Ventura ay may mga pending cases ng large scale estafa at illegal recruiter sa National Bureau of Investigation (NBI) at kasabwat din daw ng sindikato na may pangalang M.E.I. sa 2464 Singalong St., Malate, Maynila. Dapat ito ang lusubin ng mga nagtipon sa "EDSA 3" at hindi ang Malacañang.

Nagtataka ang OK KA BATA! kung bakit hindi matimbog ang grupo ni Acedillo kahit may nagrereklamo sa mga kinauukulan. Eh baka naman may "cash-sunduan" na sa pagitan ng sindikato at ilang awtoridad.

Ganito raw ang modus operandi nina Acedillo at Ventura sa pagre-recruit ng mga kababaihan, papupuntahin ni Ventura ang mga biktima sa kanilang bahay upang pag-usapan ang trabaho sa Brunei sa Centerpoint Hotel. Kapag nakumbinsi, dadalhin ni Ventura ang mga biktima sa NBP upang makausap ni Acedillo at sa konting boladas at paliwanag ay madaling napapaniwala ang mga biktima.

Madalas daw na sa isang dyipni nakasakay ang mga biktima kapag nagpupunta sa NBP at sasabihan daw ng mga ito sa jailguard na dadalaw lamang kay Acedillo. Dahil sa may koneksyon sa ilang tiwaling opisyal ng nabanggit na bilangguan, madaling nakalulusot dahil VIP treatment nga si Acedillo.

Dahil daw tiwala na at mukhang na-hipnotismo ay magbibigay na ang biktima ng halagang P6,000 para sa medical check-up at training.

Payo ng OK KA BATA! na huwag kayong pipikit mga kabayang taga-ibang lalawigan partikular na ang mga kababaihan, baka may maligaw na isang babaing matamis ang dila na nanghihikayat at nagre-recruit patungong Brunei at iba’t ibang bansa, puwede bang bigyan ninyo ng isang suntok sa mukha o kaya nama’y itali ninyo sa puno ng langgaman at nang matauhan.

ACEDILLO

BACOLOD CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

BRUNEI

CENTERPOINT HOTEL

CORAZON VENTURA

DAHIL

FALCON VILLE

ISANG

VENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with