^

PSN Opinyon

Congressman naka-'lawlaw' shorts kapag 'nagpapatadtad sa sauna

-
Alam n’yo bang naka-shorts lamang ng lawlaw ang isang congressman kapag nagtutungo sa massage parlor?

Ayon sa aking bubuwit, 14 days na lang at election na.

Happy birthday muna kay Kathy Openia, Anna Dionnie Asistio, Emmie Palanca, Gerry Nepomuceno at Rachel Navarette.

Binabati ko rin sina Ariel Macalindong, Armand Aquinde, Joan Garcia ng Zamboanga City; Castillo fa-mily ng Puerto Princesa City; Atty. Tony Paguirigan, Bro. Angel Sarangaya ng Santiago City at Boy Villarico.
* * *
Alam n’yo bang mahilig magpa-‘‘tadtad" ang isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, halos lahat na yata ng mga first class na massage parlor sa Metro Manila ay napuntahan na ni Congressman. Pero, lately, ang madalas niyang puntahan ay ang sikat na sauna parlor sa Parañaque City.

Mukhang nagsawa na si Congressman sa mga sikat na massage parlor sa Quezon City. O baka naman mas malapit sa kanya ang Parañaque City lalo na ngayong wala nang session.

Ayon sa aking bubuwit, ang paborito palang attendant nitong si Congressman ay ang masahistang paborito rin ng isang crony ni dating President Erap.

Magaling ba siya, Congressman?

Ayon sa aking bubuwit, itong paboritong masahista ni Congressman ay mga 22 years old, maganda at medyo maputi. Taga-Pasay City subalit tubong Bacolod City.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang huling magtungo sa sauna si Congressman ay naka-disguise pa ito. Naka-shorts ng lawlaw. ’Yung bang shorts na maluwag na lampas pa sa tuhod. Naka-polo shirt na maluwag at naka-baseball cap.

Ayon sa aking bubuwit, si Congressman ay mabait naman pala sa mga masahista. Dahil medyo bata pa, maganda at seksi ang nasabing masahista, hinihimok pala ito ni Congressman na huwag nang magtagal sa sauna at humanap na lamang ng ibang trabaho.

Congressman di ba dapat ikaw na mismo ang magbigay ng trabaho sa masahista.

Gayahin mo ang isang congressman sa Southern Tagalog at Mindanao na kinukuha nilang staff sa Kongreso ang kanilang mga type na GRO.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na naka-disguise pa kapag nagpapamasahe ay walang iba kundi si…

Mabait at galante si Congressman. Nag-tip siya ng P3,000 sa masahista.

Ang congressmang ito ay walang iba kundi si Congressman R. as in Ramonito.

vuukle comment

AKING

ALAM

ANGEL SARANGAYA

ANNA DIONNIE ASISTIO

ARIEL MACALINDONG

ARMAND AQUINDE

AYON

CITY

CONGRESSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with