^

PSN Opinyon

Ang Ipaglaban Mo (AIM) party list

-
Ang kauna-unahang programang naghatid ng impormasyong legal sa pamamagitan ng true-to-life drama sa telebisyon ay ang programang KAPAG MAY KATWIRAN… IPAGLABAN MO! Dahil sa programang ito, namulat ang mamamayang Pilipino sa mga batas, sa kanilang karapatan, at sa paraan ng paglaban.

Naitaguyod din ang Ipaglaban Mo Foundation. Pagkalipas ng mahigit 10 taon, libu-libong mamamayan ang nabenepisyuhan ng Ipaglaban Mo at tinutugunan ang kanilang mga problemang legal.

Napasikat ng Ipaglaban Mo ang mga kasong nadesisyunan ng Kataas-taasang Hukuman. Lumawak ang kaalaman ng mga tao habang sila ay inaaliw ng drama. Ang sangay na ito ng pamahalaan ay naipaliwanag at pinamulat sa ordinaryong mamamayan, dahil sa Ipaglaban Mo. Maraming mga programa ang gumaya at lalong sumikat ang batas at mga desisyon ng hukuman. Ang nanguna rito ay Ang Ipaglaban Mo o (AIM).

Ngayon, tinatahak ng Ipaglaban Mo na baguhin ang antas ng serbisyo sa Kongreso. Sa pamamagitan ng party list system, pumapasok ang AIM upang palawakin ang impormasyon ukol sa mga batas at panukalang inihahain sa Kongreso. Ang pagpapalawak ng impormasyon ay kakayahan ng AIM. Kung ano ang kasikatang naibigay sa Supreme Court cases, ganoon din ang ninanais ng AIM sa batas ng Kongreso.

Bukod dito, layunin din ng AIM na pangalagaan ang karapatan at interes ng mga propesyonal, negosyante, mga guro at empleyado, sa larangan ng pagtataas ng antas ng kakayahan at kagalingan; pagmulat sa kanilang responsibilidad at komunidad, at pagpapatibay ng moralidad at dignidad.

Ang AIM ay naghahangad na patuloy na magserbisyo. Marami itong batas na nais ipanukala sa Kongreso. Ito ang makatuwirang iboto sa darating na halalan para sa party list representative.

AIM

ANG IPAGLABAN MO

BUKOD

DAHIL

IPAGLABAN

IPAGLABAN MO

IPAGLABAN MO FOUNDATION

KONGRESO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with