EDITORYAL - Alisin ang ROTC!
April 30, 2001 | 12:00am
Isa sa dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ay ang pagbuwag sa Reserved Officers Training Corps (ROTC). Ngayong malapit na ang pasukan, maaaring magbigay na naman ng sakit ng ulo ang ROTC dahil sa napabalitang anomalya rito.
Noon pay marami nang anomalyang nangyayari sa ROTC subalit nagpatuloy pa rin ito. Isang dahilan ay sapagkat hindi nabubulgar o marami ang natatakot magbulgar sa mga katiwaliang nangyayari rito. Marami ang hindi nakaaalam na ginagawang "gatasan" lamang ng corrupt na ROTC commandant at mga staff nito ang mga estudyanteng ayaw sumailalim sa training na ginagawa kung Linggo. Madaling magkamal ng pera ang mga corrupt sa ROTC sapagkat marami sa mga estudyante ang nagbabayad sa halip na magbilad sa araw mula alas-7 hanggang alas-12 ng tanghali. Ayon sa report, nagbabayad ang estudyante ng P1,000 hanggang P1,500 bawat semestre para hindi mag-ROTC. Apat na semestre kinukuha ang ROTC sa ilalim ng mga code subject na Military Science 11, 12, 21 at 22.
Lalo pang luminaw ang anomalyang nangyayari sa ROTC nang isang estudyante sa University of Santo Tomas ang nagbulgar nito. Ang masakit, ang pagbubulgar na ginawa ni Mark Wilson Chua sa anomalya sa UST ROTC ang naging dahilan ng kanyang maaga at malagim na kamatayan. Pinatay si Chua makaraang kidnapin at itinapon ang bangkay nito sa Pasig River noong March 15. Tatlong araw ang nakalipas, natagpuan ang lulutang-lutang na bangkay nito na nakabalot sa carpet ang katawan, nakatali ang mga kamay at ang ulot mukha ay naka-masking tape. Ang anomalya sa ROTC ay ibinulgar ni Chua sa isang reporter ng The Varsitarian, ang UST campus paper noong December. Sinabi ni Chua na humihingi ng bribe ang mga opisyal ng UST Department of Military Science and Tactics sa mga cadets. Nagreklamo si Chua sa Department of National Defense at sinibak ang ROTC commandant na si Maj. Demy Tejares at iba pang officials.
Hanggang sa maganap ang pagkidnap kay Chua at ang malagim niyang kamatayan. Dalawang suspect na ang dinampot ng National Bureau of Investigation at inaasahang mahuhuli na rin ang utak sa pagpatay kay Chua.
Nakatatakot ang nangyaring ito na ang isang estudyanteng kumukuha ng ROTC ay pinatay. Gaano karaming estudyante ang mapapahamak dahil lamang sa walang kuwentang ROTC na kung tutuusiy wala namang natututuhan ang mga estudyante. Kailangang kumilos ang DECS upang buwagin ito at palitan ng isang makabuluhang asignaturang makatutulong sa mga estudyante. Kung mabubuwag, maililigtas ang mga estudyante sa mga "buwayang" commandant at higit sa lahat sa kamatayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended