Mayor Atienza buwagin mo ang illegal FX terminal ni Ligaya Santos
April 29, 2001 | 12:00am
Panahon na siguro para buwagin ni Manila Mayor Lito Atienza itong FX terminal sa Liwasang Bonifacio bago magamit ang naturang isyu ng kanyang mga kalaban sa pulitika at maapektuhan ang re-election bid niya. Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkasangkot ni Barangay chairwoman Ligaya Santos, ang nagpapatakbo sa multi-million peso racket na ilegal terminal, sa ambush-slaying nina SPO4 Ed Benavidez at Francis Orda at kung walang hakbang na gagawin si Atienza tungkol dito maaari siyang maakusahang may nakararating sa kanya.
Hindi basta-basta ang kinakasangkutan na kaso ni Santos. Sa initial findings ng mga imbestigador, lumalabas na iniligpit itong sina Benavidez at Orda dahil sagabal sila sa operasyon ng sindikato ni Santos sa Liwasang Bonifacio. Sinabi ng aking espiya na itong si Benavidez pala ay opisyal ng isang samahan ng FX drivers na gumagamit din ng bahagi ng Liwasang Bonifacio bilang terminal kayat nagalit ang grupo ni Santos sa kanya. Ito namang ama ni Orda na si Domingo ang siyang target ng grupo kaya lang napagkamalan ang kanyang anak na si Francis, ayon sa aking espiya.
Dapat namang ibulgar ng mga imbestigador ng pulisya kung sinu-sino itong mga mamamahayag na umanoy nasa payroll ni Santos. Ang trabaho umano ng mga mamamahayag na ito ay birahin ang mga City Hall at police officials na sagabal sa operasyon ng sindikato ni Santos. Kaya dapat humanda rin si Mayor Atienza sa mga birada ng mga kasamahan ko sa trabaho dahil babanatan siya ng mga ito kapag iniutos na niya ang pagbuwag ng ilegal na terminal diyan sa Plaza Lawton.
Kapag hindi maaksiyunan ni Mayor Atienza ang problemang ito, maaring iisipin ng mga botante na si Santos ay isa sa mga sumusuporta sa kanya sa darating na May 14 elections. Magkano ba? Yan ang mga tanong na dadalhin niya habang nangangampanya, di ba? Pero dahil may nagbuwis na ng buhay sa naturang racket, magiging magaan sa kalooban ni Mayor Atienza na buwagin itong ilegal terminal ni Santos. Ilang beses kasing narinig ng aking espiya na nagbabanta itong si Santos sa kanyang mga kalaban o karibal sa negosyo, kapag hindi siya napagbigyan.
Ang hindi lang alam ni Santos, itong mga inupahan niya ay malakas din palang kumanta. Kaya bilang na ang mga araw niya dahil ang balita ko maganda ang boses ng kanyang mga bataan na nahuli ng pulisya sa pag-ambush slay kay Orda sa Parañaque City. Sa pagkaalam ko, hinihimay na sa ngayon ng pulisya ang mga ebidensiya laban kay Santos. Maaaring susundan niya ang yapak ng napatalsik na si Presidente Estrada sa selda. Nakatuon ngayon ang mga mata ng Manileño sa magiging aksiyon ni Mayor Atienza sa ilegal na FX terminal ni Santos. Dito nila huhusgahan kung nararapat pa siyang suportahan at panatilihin sa puwesto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest